TP34

307 5 0
                                    

Veronica's POV,

Gaya ng bilin sa akin ni Reagan ay hindi na ako kailanman nakadalaw pa sa nanay ko. Ang tanging hinihingan ko nalang ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng nanay ko ay si Joyce.

Pinagbawalan na rin ako ni Reagan lumuwas ng Maynila at huwag basta-bastang mang-aaccept sa social media. Pina-private niya sa akin ang lahat ng social media ko na wari ba'y wanted ako at may pinagtataguan ako. Ni ayaw niya ring sumagot ako ng tawag sa kahit na anong unregistered number sa cellphone ko. Hindi ko alam kung napapraning ba siya at parang siya 'yung hinahanap ni Will kung sakali.

[How's your sleep, love?] Tanong sa akin ni Reagan sa kabilang linya. Ugali na niyang tumawag tuwing umaga kapag hindi siya rito natutulog.

"Buti nagising ako ng maaga. Finals pa naman namin sa Mechanics umagang-umaga." Buntong-hininga kong sagot dito. "Anyway, kumusta preparation mo for your graduation"

[Huwag ka nalang kayang umattend?] Sagot nito. Lagi niya nalang 'yang sinasabi sa kagustuhan niyang hindi lang akong makaluwas ng Maynila.

"Malaki naman ang Maynila, imposibleng makita pa ako ni Will sa kaunting oras lang. Besides, gusto kong makita kang umakyat sa stage." Sabi ko rito.

Buong linggo ay puro final exam lang ang ginawa namin. May mga professor din na hindi nagbigay at special project lang ang pinaggawa.

"So saan tayo?" Tanong sa amin ni Kylien sa pupuntahan daw namin sa bakasyon. "Don't tell me you're not going again, Jade?"

Napakagat muna ako ng labi rito. "Parang ganoon na nga."

"Oh come on. It's just 1 week, well maybe?" She shrugged. "You can invite Reagan kung gusto mong may kasama ka. Also, you need a break ok? You're too hard to
yourself. Come on, hindi ka mamamatay sa kaunting pahinga."

"Tingnan ko lang. Kailan ba? Busy pa kasi si Reagan sa pagpeprepare para sa graduation niya." Pagdadahilan ko. Iniisip ko kasi na gastos kapag sumama ako. Nag-iipon kasi ako para sa amin ni inay at para mabayaran ko rin si Will sa ginastos niya noon sa nanay ko.

"Well, that's great. Send my greetings to him. We'll send you a message or pwede rin puntahan ka namin sa apartment mo." Sabi niya. Tumango nalang ako para hindi naman magtampo ang kaibigan ko. Hindi raw kasi ako sumasama sa gala. Duda na raw sila kung kaibigan ko pa ba sila.

Mababait ang mga kaibigan ko na si Roella saka Kylien. Kahit mayaman sila Kylien napakabait niya. Madalas din siya maglibre sa 'kin lalo na kapag break tapos hindi ako gagastos para sa pagkain ko, pipilitin niya kong kumain at siya ang kusang bumibili. Hindi ko sana tatanggapin kaso mapilit. Kesyo masasayang daw kapag tinapon niya sa basurahan. Kaya no choice ako kung 'di ang kainin nalang.

"Nagyayaya ang kaibigan kong gumala after ng finals namin. Pinapasama ako saka ikaw. Sama ka ba?" Tanong ko sa tumatawag na si Reagan.

[Saan daw?] Sagot nito. Rinig pa sa background nito ang ingay ng mga students. Nagpapractice yata ng marching.

"'Di ko pa alam eh. Pero baka out of town."

[Ok. Sama tayo. Para naman makapagpahinga ka.] Agad na sagot nito.

"Eh? Akala ko pa naman hindi ka sasama."

[Inaya ka kaya natural gusto kang makasama. Kasama mo naman ako so you don't have to worry about the expenses.]

Inunahan niya na ako. Alam niya kasing kuripot ako at hindi basta-bastang gumagastos.

"He love me. He give me all his money. That Gucci, Prada comfy. My sugar daddy." Pabiro kong kanta rito.

The ProstituteWhere stories live. Discover now