TP17

389 10 0
                                    

Veronica's POV,

"Ma'am nandito na po tayo."

Nagising naman ako sa tawag sa akin ng driver. Pinahatid lang ako ni Reagan sa assistant niya dahil may mahalaga raw siyang pupuntahan.

"Ako na po, kuya." Sabi ko sa assistant at inaabot ang maliit kong baggage sa compartment. Pero nilayo niya lang at ngumiti sabay giya sa akin papasok ng isang gusali which I think is 'yung magigising apartment ko habang nag-aaral dito sa Laguna.

"Ma'am ito po 'yung apartment na titirhan niyo po sa ngayon." Saad ng assistant at binuksan ang loob ng apartment.

Pagpasok palang namin sa apartment at napahanga na 'ko sa laki nito. It looks elegant at amoy mayaman, halatang 'di ako ang bumili nito.

Mabilis ko lang na sinuri ang loob ng apartment dahil sabi ng assistant ni Reagan ay ipapasyal niya muna ako sa loob ng school para hindi na ako maligaw sa lunes.

Good thing at saktong start of their school year sa lunes so it will not be hard for me at wala pa akong hahabulin na units dahil sabi ni Reagan at first year college palang naman ako. I will be taking BS in Civil Engineering since it is really my passion.

"This is the College of Engineering, Ma'am." Saad ng assistant. Tinandaan ko naman ang mga rooms at 'yung unang room ko para sa first subject.

Hinatid niya rin ako sa College of Science, College of Liberal Arts, at marami pang iba na nakasaad sa COR ko.

"Ano 'tong TBA?" Tanong ko sa assistant. Doon daw kasi ang room ko for my NSTP subject.

"To Be Announce po 'yan, Ma'am." Sagot naman ng assistant. Tumango nalang ako. Magpapaligaw nalang ako kasama ng mga kaklase ko bukas kung saan 'tong subject namin na 'to.

Pagkatapos naming libutin ang importanteng grounds sa school na 'to ay inuwi na rin ako ng assistant sa apartment na tutulugan ko.

Ang weird lang sa pakiramdam na parang ang lungkot ko na mag-isa nalang ako, na wala na 'kong lulutuan sa umaga.

Kumusta na kaya si Reagan doon?

Paano na kakainin niya? Back to unhealthy goods na naman siya?

Tumayo naman ako saglit para i-check ang mini ref ko. Nagningning na naman ang mga mata ko nang makita ang pagkadami-daming stocks.

Napatingin naman ako sa cellphone ko nang may biglang magpop na friend request. Nang makita ko sa profile niya na nag-aaral din siya sa school na papasukan ko at inaccept ko agad.

Buti na 'yung may kakilala ako agad.

Maya-maya pa'y may nagpop naman na tao sa screen ko.

'Hello, ur from BSCE-1D ryt?'
- Kylien Moree

'Hello po. Opo'
- Veronica Jade

'Follow me on ig so i can add u on our gc :)'
'btw it's _itskymoree_'
- Kylien Moree

Agad ko naman siyang hinanap sa ig para ifollow. Maya-maya pa'y nakaadd na 'ko sa gc ng class. Ganoon kabilis.

May mga nakita na kong past chats. Sinubukan kong magbackread pero tinamad lang ako sa dami na nilang messages. May nabuo na ngang magkaibigan eh.

'guys, we hav our new cm'
- _itskymoree_

'Ye, helow @atarajadee'
- rhyselfrnc

Agad naman akong nagtipa nang imention nila ako.

'Helo po.'
- atarajadee

'wlcm!'
- gianna_jean

The ProstituteWhere stories live. Discover now