TP62

178 10 1
                                    

Veronica's POV,

"Pa'nong.. ipinahanap mo si inay?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Reagan.

Pinagpaplanuhan ko na talagang hanapin si inay pero hindi pa sa ngayon dahil hindi ko alam kung paano. Wala akong pera para mag-hire ng tao na maghahanap sa kaniya.

"Oo dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang nanay mo." Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. I looked directly into his eyes full of emotions. "That's the least I can do para makabawi sa mga panahon na wala ako sa tabi mo at hinarap mo ang lahat ng iyun nang mag-isa, taliwas sa ipinangako ko sa 'yo noon na hinding-hindi kita iiwanan."

Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko. I didn't expect him to do that. Hindi dahil sa wala sa pagkatao niya ang gumawa ng ganito pero sobra-sobra na ang ginawa niya para sa 'kin kaya hindi ko maiwasang umiyak.

"Pupunta rito mamaya ang taong inutusan kong maghanap sa nanay mo. Kailan mo siya gustong puntahan?" Tanong nito sa akin.

"Pa'no?.. Bakit?.. Bakit mo ginagawa 'to?" Pinahiran ko ang luhang kanina pa pala kumakawala sa mga mata ko.

"Nagtatanong ka pa talaga ah. Isn't it obvious? Mahal kita at gusto ko buuin ka. Alam kong hindi ka magiging kumpleto hangga't hindi mo nakakasama ang nanay mo kaya ako na rin mismo nagpahanap sa kaniya. Kabisado ko na ang ugali mo eh. Ikaw 'yung kahit anong hirap na dinanas mo sa nanay mo, hindi ka pa rin nagsasawang mahalin siya to the point na halos wala ka ng itinira para sa sarili mo. You're the kind of person who only knows how to love and forgive." Sabi nito na parang nababasa nito ang kaloob-looban ko na siyang humaplos sa puso ko.

I know I love this man at hindi ako nagkamali sa pagpili ng taong mamahalin.

"Daming drama. 'Di bagay sa 'yo." Biro ko pa na siyang nagpatawa sa kaniya.

"Ay alam ko na anong kasunod nito. Feeling ko sunod nito sa simbahan tapos honeymoon-" Mabilis ko siyang kinurot sa kamay para putulin ang dapat sanang sasabihin niya. "Miss ko na boobs mo, babe."

Mahina ko siyang tinampal sa kamay saka pinatalikod siya para masahiin ang likod niya. Naalala kong masakit nga pala ang katawan niya sa pagtatanim kahapon. Bida-bida kasi masyado, feeling bakal ang katawan na hindi nakakaramdam ng pananakit.

Maya-maya lang din ay bumalik na kami sa pagtatrabaho. Ako ang taga-receive ng calls at magtatransfer sa kaniya kapag urgent. Ako na rin ang sumasagot ng mga emails at nag-aayos ng schedules niya. Masyado kasing sikat kaya ang daming gusto makipag-usap. Parang ang kapal masyado ng mukha ko para ako ang magustuhan ng taong 'to. Sobrang gwapo ng mukha niya. Ang mga kayumanggi niyang mata, matangos na ilong, perpektong hugis ng panga, ang pilikmata niya, mga bagay na mahirap ipaliwanag kung bakit parang siya lang ang anak ng Diyos.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon