TP49

328 15 2
                                    

Veronica's POV,

It's been two days since we last talk. Dalawang araw na rin akong hindi pumapasok sa trabaho. Nagpaalam muna ako para bantayan ang anak ko sa ospital.

Palala nang palala ang nararamdaman ng anak ko. Madalas na siyang magsuka at umiiyak na rin siya sa sakit ng ulo. Pati ako ay naiiyak na rin para sa anak ko.

"Mama nasakit na naman po ulo ko." Sabi ng anak ko sa mahinang boses.

"Tiis nalang muna anak ah. Tawagin ko lang si Doc." Paalam ko rito at tinawag na ang doktor para turukan siya ng pain killer.

"Misis, diretsuhin ko na po kayo. It's not good for your child to always take pain killers. As you can observe unti-unti na ring nawawalan ng bisa sa katawan niya ang gamot kaya palala nang palala ang sakit ng ulo niya. It only means na kahit itaas namin ang dose ng gamot niya ay hindi na 'to masyadong umeepekto sa katawan. As much as we can, we have to do the operation bago pa tuluyang kumalat sa malaking bahagi ng ulo niya ang cancer." Sabi sa akin ng doktor matapos niyang turukan ulit ng pain killer si Star.

Gustuhin ko mang kunin ang offer ni Reagan o tanggapin na ang tulong niya pero paano naman ang anak ko sa Laguna. Puwede sana kapag gumaling na si Star ay iuuwi ko siya sa Laguna habang ako ay dito sa Maynila gaya ng kagustuhan ni Reagan. Pero ang problema ko ay ayoko naman mawalay sa mga anak ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagdial ng number niya.

[Jade.] Sagot nito sa tawag ko.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko rito.

[Yes, you can directly go to my office. I don't have any appointments now.] Sabi nito. May kung ano pa itong sinabi sa kabilang linya pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Sige." Sambit ko nalang bago ibaba ang tawag.

Siguro ganoon na nga lang ang gawin ko. Magtatrabaho sa Maynila para sa kanila habang sila ay nasa Laguna para kasama rin nila sila nanay Joni. Bigyan ko nalang sila ng magbabantay sa kanila para hindi mapagod si nanay Joni.

Nagpaalam muna ako kay Joyce pagkarating niya sa ospital para puntahan si Reagan. Pagkarating ko ay tinuro rin naman agad ng staff ang room niya. Nagsuot din ako ng sumbrero dahil baka may kung sino pa akong makasalubong dito lalo na ang mga magulang ni Reagan. Hindi ko alam kung paano sila haharapin kapag nagkataon.

"Jade." Banggit nito sa pangalan ko pagbukas ko ng pinto.

Lumapit ako rito at umupo sa upuang nasa tapat ng table niya.

"Payag na 'ko, Reagan." Diretso kong sabi sa kaniya. Bahagya pa itong ngumiti pero mabilis niya rin itong inalis. "Payag akong magtrabaho sa 'yo hanggang mabayaran ko ang magagastos mo sa anak ko. I'll work overtime or kahit anong trabaho ipaggawa mo sa 'kin gagawin ko hanggang mabayaran kita."

"Pagbabayad agad ang inisip mo kahit wala pa naman akong nagagastos para sa anak mo." He said and rest his back on his chair while smirking.

"Magtatrabaho rin ako sa club para makaipon din ako agad pambayad s--"

"No." Putol nito sa sasabihin ko. Seryoso akong binigyan ng tingin at ang ngiti niya'y napalis sa kaniyang bibig nang dahil sa sinabi ko. "You're not going to that damn club. Nasisiraan ka na ba ng bait Jade? You trade yourself para sa magkano lang na halaga? Hindi ka ba nag-iisip na baka mahawa ka ng mga sakit ng costumer mo?"

Natahimik ako sa sinabi nito. Matagal ko na rin namang alam na wala na ako sa katinuan. Pero masisisi mo ba 'ko kung tanging 'yun nalang ang kinakapitan ko para mapagaling lang ang anak ko?

The ProstituteWhere stories live. Discover now