TP15

417 13 2
                                    

Veronica's POV,

"Ayy Reagan," Nahihiya kong tawag kay Reagan.

Nanood kasi ako sa YouTube kung paano magbake ng cupcake at sakto kakagrocery lang namin ni Reagan kahapon kaya meron ako ng mga ingredients.

Saka pinasok ko na rin baking kasi sayang naman 'yung oven ni Reagan dito sa condo niya, mabubulok nalang kasi 'di ginagamit.

"What?" Lingon nito sa akin.

Nilabas ko naman ang maliit na box sa likod ko at nahihiyang iabot iyun sa kaniya.

"If you want.. I.. I just want to give this to you--- but if ayaw mong magdala ng box sa work, ok naman kahit mamaya---"

"No, give me that." Sambit niya at kinuha sa kamay ko ang box at tumalikod na agad.

"Thanks for this." Sabi niya sa akin nang hindi man lang ngumingiti. Pero dahil amo ko siya, nginitian ko nalang.

"Ingat." Sabi ko nalang.

Aalis na sana ito nang lumingon na naman.

"Wag akong lumabas ng condo mo." Ako na mismo nagsabi ng lagi niyang habilin sa akin.

Kesyo wala rawng matitira sa condo. As if namang nanakawan sa taas nito.

"Good." Sambit niya at tuluyan ng lumabas ng condo.

Ok, back to boring time na naman ako.

Gustuhin ko mang lumabas pero huwag nalang kasi kabilin-bilinan lagi ni Reagan sa akin, bawal daw ako lumabas.

At dahil masunurin akong empleyado, sumusunod ako sa boss ko.

Papasok na sana ulit ako sa kwarto ko nang may biglang mag-doorbell. Sinilip ko naman ito sa peephole at nagtatakang binuksan ang pinto kasi nandito si Stella.

"Happy birthday, babe!" Bati niya nang nakangiti. Pero nawala rin agad nong makita niyang ako ang nagbukas ng pinto.

"Bakit ka nandito sa condo ni Theo?" Nagtataka nitong tanong sa akin.

"Ahm, co'z we're living together?" Sagot ko naman.

Girlfriend mode muna ako ngayon ni Reagan. Trabaho muna.

Panes! Live-in pa nga.

"Wait what? I don't believe you." Nakapamewang niyang sabi sa akin habang may hawak na maliit ng box sa kanang kamay.

"Pwede ka namang pumasok para iconfirm na nasa loob ang gamit ko." At nilakihan ko ang awang ng pinto namin para makapasok siya.

Agad naman siyang pumasok at nilapag saglit ang hawak na box sa table namin at pumasok sa pinakamalapit na kwarto, which is 'yung sa akin 'yun.

Sinundan ko naman siya agad dahil baka kung anong kunin sa kwarto ko.

Una niyang binuksan ang cabinet ko at gaya ng inaasahan, tumambad sa kaniya ang mga damit ko.

Tiningnan niya rin ang gamit sa paligid at nong marealize niya na totoo ang sinasabi ko tiningnan niyo ko nang nakataas ang kilay at pinupush ang dila sa side cheek niya.

"Why are you living together?" Tanong niya at naglakad papalapit sa akin.

"He, ah, siya mismo nagsabi sa 'kin na dito tumira." Sagot ko naman.

Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kaniya na si Reagan naman talaga ang nagpatira sa akin dito.

"At sinong disenteng babae ang tumira sa iisang bahay kasama ang isang lalaki? What? Did you had sex?" Straightforward nitong tanong sa akin.

The ProstituteWhere stories live. Discover now