TP38

306 9 0
                                    

Veronica's POV,

"If that's what you want. We'll just have our grand wedding after your graduation." Sabi nito sa akin at hinalikan ang noo ko. Nakasandal ako ngayon sa kaniya habang siya'y nakasandal sa sandalan ng kama. Hawak niya ang kamay ko habang tinititigan ang singsing na sinuot niya sa akin kahapon.

Nakiusap ako sa kaniya na after ng graduation nalang sana kami magpakasal na kasama ang iba pa niyang pamilya at mga kaibigan. Nakiusap ako na hangga't maaari ay ilihim namin ito dahil ayokong mabigla ang mga tao sa paligid namin.

"Pero sila Mommy papupuntahin ko. Kailangan natin ng witnesses 'di ba?" Aniya.

Civil wedding muna ang kasal namin kaya kailangan ng witnesses. Ang balak ko lang papuntahin bilang witness ko ay si Joyce tutal siya naman ang bestfriend ko at alam kong ililihim niya ang wedding namin. Natatakot lang ako sa family ni Reagan. Natatakot ako na baka marinig ko sa boses nila na ako mismo ang nagmamadali sa kasal namin para makahuthot ako ng pera sa anak nila. Alam kong mabait ang magulang ni Reagan at tanggap ang relasyon namin, hindi ko lang alam kung matatanggap nila ang pagpapakasal namin nang maaga.

"I'll tell my Mom and Dad pag-uwi ko. Don't worry about the wedding, ako ang bahala. Wala ka ng iisipin pa. Maybe next month na 'yung wedding natin." Sabi nito sa akin bago ako hinalikan sa noo.

Nagdaan ang mga araw at gaya ng sabi ni Reagan siya ang bahala sa kasal namin. Wala na raw akong aalalahanin pa. Sinabi ko na rin kay Joyce ang balak naming pagpapakasal at nagulat daw siya. Tanong niya agad kung saan ang honeymoon at kung may balak daw ba akong magpabuntis agad. Sinabi ko naman na ayaw ko muna hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Alam na rin naman ni Reagan 'yun and he respects it.

Mamaya ay dadalaw kami sa magulang ni Reagan para pormal na sabihin dahil 'yun nalang ang hiniling ko. Ayokong isipin nila na hindi ako seryoso sa anak nila dahil natatakot akong magpakita man lang. Gusto ko rin nandoon ako para makita kung anong reaksyon nila o kung itatakwil ba nila ang anak nila dahil sa 'kin.

Di, biro lang.

Pero gusto kong makita nila na hindi ako napipilitan o hindi ko tinatakot si Reagan para pakasalan ako. Gusto kong ipakita na buo ang desisyon kong pumayag na magpakasal sa anak nila.

"Let's go." Aya sa akin ni Reagan dahil hindi pa 'ko lumalabas ng kotse niya.

"Natatakot ako." Sabi ko rito kaya tinawanan niya ako sabay yuko para bigyan ako ng marahan na halik sa labi.

"Kung ano man ang sabihin nila Mommy, tuloy pa rin ang kasal natin."

Mas lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi niya. Ibig sabihin nakakaramdam din siya na baka tumutol ang ina niya sa maaga niyang pagpapakasal sa 'kin.

"Kung after graduation nalang tayo magpakasal?" Hirit ko sa kaniya. Sumimangot lang ito.

"We already talked about it, right? Come on, they're waiting inside." Sabi nito kaya bumaba na lang ako.

Hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ko habang papalapit kami nang papalapit sa pintuan. Si Reagan na ang nagbukas ng pinto. Sakto naman at naabutan namin ang Mommy niya na naglalapag ng pagkain sa mesa. She smiled when she saw us. Nagtanggal muna ito ng apron saka lumapit sa akin para makipagbeso.

"Bumisita kayo." Sabi nito.

Sumunod kami rito at umupo sa dati naming inupuan noong nagpunta ako rito. Sakto at bumaba na rin ang daddy ni Reagan na may hawak na papel at binabasa ito.

"Honey, they're here." Sabi ng nanay ni Reagan. Nag-angat ng tingin ang tatay niya saka tumango sa amin at binalik ang tingin sa binabasa.

Nawala saglit ang kaba ko dahil sa trato ng nanay ni Reagan sa akin. Napakabait ng nanay niya at mukhang hindi naman mapagmintas. Nagkwento ito ng kung anong tungkol sa tatay ni Reagan na panay na tinatanggi naman ng nahuhuli.

The ProstituteWhere stories live. Discover now