TP53

232 12 1
                                    

Veronica's POV,

Alas singko palang ay nagpunta na ako ng opisina dahil sabay na raw kami pumunta ni Reagan sa airport. Maaga kasi ang flight namin kaya kailangan naming agahan. 'Di bale ng maghintay kami kaysa maiwanan pa kami ng eroplano.

Maya-maya lang din ay dumating na rin si Reagan. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang maliit na maleta na kumpara sa akin ay parang kalahati lang ang laki. Tinatamad lang ba siyang magdala ng maraming gamit o ako lang talaga ang OA? First time ko kasi itong labas sa bansa kaya talagang sinulit ko ang 32 kilos for first class carriage. Mga nasa 30 kilos siguro ito base sa pagkakatimbang ko. Pinatimbang ko pa talaga 'to para makasiguro.

"Sir are you sure you don't want us to come?" Rinig kong tanong ng isa sa department head ng company. Sa katunayan ay wala akong alam sa kung ano ang ginagawa during business trip dahil first time ko pa.

"We're good." Bumaling ito sa akin habang nakahawak sa suot niyang blazer. "Shall we?"

Ngumiti naman ako at tinulungan na siya sa pagpasok ng gamit ko sa kotse niya. Pareho kaming sa likod umupo dahil ang driver nila ang nagmamaneho para na rin may mag-uwi ng sasakyan niya.

Matapos ng mahabang proseso sa airport ay nakapasok na rin kami sa airplane. Sa first class kami kaya may special treatment talaga. Parang cubicle pala dito, may separation. Iba pa ang higaan o upuan dito sa mga napapanood ko sa telebisyon.

"Is this your first time flying?"

Napalingon ako kay Reagan habang nakatayo ito sa gilid ko. "Opo." Sagot ko rito.

"Enjoy the trip. I'm going to extend our stay in New York para makapamasyal ka rin." Nakangiti nitong saad. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ipapasyal kita sa New York."

Hindi na ako sumagot dahil mas maiilang lang ako. Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na magkatrabaho nalang ang relasyon namin ngayon. Kung ano man ang ginagawa niya ngayon, I have to guard myself harder. May kasintahan na siya kaya kailangan ko ring pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya na huwag ng lumalim pa ng husto.

Naalala ko pa rin ang babaeng kausap niya sa office noon. Tinawag siyang 'honey' no'n kaya paniguradong may relasyon sila no'n. Marahil ay naguiguilty lamang ito kaya bumabawi.

It was a long flight kaya kinailangan pa akong gisingin ni Reagan mula sa mahimbing kong tulog. Nakarating na pala kami. Pagbaba namin ay napahawak agad ako sa suot ko nang maramdaman ko na ang lamig. Nakita ko pang tiningnan ako ni Reagan kaya hinubad nito ang coat niya saka sinuot sa 'kin.

"Wait, paano ka?" Pagpipigil ko rito. Binigyan lang ako nito ng ngiti. "Huwag na po, Sir. Kaya ko po."

"Please don't make everything hard for me." Seryoso nitong sabi kaya hindi nalang ako umangal. Anong ibig niyang sabihin?

Naghintay pa kami ng taxi dito at nang makahanap na ay sumakay na kami. Hindi ako nagsayang ng oras at nilabas ko na agad ang cellphone ko para kuhanan ang iilan sa mga nadadaanan namin. Masasabi ko talagang ang ganda ng New York. Napakalinis at talagang imported ang style ng buildings nila.

Pagdating namin sa hotel ay pinahintay lang ako ni Reagan sa couch at siya na raw ang kakausap sa receptionist. Napaangat ako ng tingin pagbalik nito. Napakamot ito ng kilay.

"Ahm, isa nalang daw ang extra room nila dito so ahm.. we need to stay in one room." Saad nito kaya mabilis akong napatayo.

"A-ano?" I exclaimed.

"Jade natutulog naman tayo sa iisang bubong dati 'di ba? Besides dalawa naman ang kama if 'yun ang dahilan kung bakit ka nag-aalangan."

Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nito. Totoo naman, natutulog pa nga kami sa iisang kama dati. Pero noon lang 'yun, noong kami pa. Hindi man lang ba siya nahihiya? Gusto ko sanang mag-request na lumipat nalang kami ng hotel kaso naalala ko siya pala ang boss dito kaya nakakahiya kung tumanggi pa ako, hindi naman ako ang magbabayad.

The ProstituteWhere stories live. Discover now