TP23

389 14 1
                                    

Veronica's POV,

Mabilis ang mga araw at ngayon ay pasukan na namin for the second sem. Ayoko pa sana magpasukan pero mas mabuti na rin 'yun kaysa dito ako sa apartment nakatengga at maghihintay nalang kung tatawagin ni Reagan para umarte.

Speaking of Reagan, two weeks niya na 'kong hindi kinakausap. Ni chat ay wala siya sa akin. Iniisip ko kung galit ba siya sa akin o nahihiya sa muntikan ng paggalaw niya sa 'kin.

Alam ko na at aminado na 'ko sa sarili ko na may kaunti na 'kong nararamdaman para kay Reagan. Ngayon lang ako nakaramdam na may taong nag-alaga sa akin. Kahit wala akong matandaan sa nakaraan ko, pakiramdam ko siya lang nagparamdam sa akin na maging tao.

Pero nang dahil sa pinapakita niya, pakiramdam ko nawasak lahat ng 'yun. Iniisip ko na kaya niya 'ko pinag-aaral at sinasahuran sa hindi-ko-malaman-kung-trabaho-ba-talaga-o-hindi itong pagpapanggap ko ay dahil sa awa at sa guilt na nararamdaman niya.

Guilt dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang ala-ala ko. Guilt sa pagsagasa sa akin at guilt dahil kasalanan niya kung bakit mag-isa nalang ako ngayon.

"Nasaan dito 'yung leveling hose ko?" Tanong ni Roella nang makita naming nakalagay lang sa lupa ang leveling hose na ginamit namin kanina.

Nasa likod kami ng school para sa shopwork class namin.

"Kahit ano nalang diyan. Pare-pareho lang naman 'yan e." Sabi ko nalang dito at dumampot ng isang leveling hose at inikot-ikot na ito para malinisan at malagay sa bag.

"Ok, class. That would be all for today, you are now dismissed." Paalam ng prof namin kaya dumiretso na kaming tatlo sa banyo para maghugas ng kamay.

"Mauna na kami Jade sa cafeteria. After mo riyan, sumunod ka agad ah. We'll order for you na rin." Sabi pa sa 'kin ni Kylien.

Nagpaiwan na 'ko dahil kinukuskos ko pa 'yung dumikit na lupa sa tshirt ko. White pa naman kaya halata.

"Psh, mukha naman akong tanga kapag nag-tuck in."

Lumabas nalang ako at hinayaan ang stain sa tshirt ko. Kinuha ko nalang ang hoodie ko at sinuot kahit ang init-init sa labas.

Kinapa ko naman ang cellphone ko sa pants ko nang mag-vibrate ito. Hindi na 'ko nagulat na makita ang pangalan ni Reagan. Wala naman kasi akong ibang nakalagay na number kung 'di siya at sila Kylien lang.

"Hello." Bungad ko rito sa pinakamasayang boses na kaya ko.

Naisip kong hindi kami bagay at kailanman ay hindi niya 'ko magugustuhan. Kaya habang maaga pa, kailangan isaksak ko na sa isipan ko na there's nothing more for us than being acquaintance, na pagdating ng panahon ay hindi na rin kami magkakakilala.

[Do you still have class?] Tanong nito.

"Wala na. Last subject ko na kanina."

[Sunduin kita. I'm almost there.] Saad lang nito at pinatay na ang tawag.

Naglakad na rin ako papunta ng cafeteria para magpaalam kina Kylien dahil sabi nga ni Reagan, susunduin niya raw ako. Wala yatang kapaguran 'yung taong 'yun kakabyahe galing Manila papunta rito sa Laguna.

"Your boyfriend doesn't know about distance you know. Ang layo ng Laguna from Manila pero ang sipag niya mag-drive just to be here with you. Make me your bridesmaid on your wedding, please." Pagbibiro nito.

"He will not gonna marry me." Sabi ko lang dito at umalis na dahil ayoko siyang paghintayin.. bilang boss ko na rin.

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko habang naghihintay sa kaniya. I gave my most common facial expression dahil ayokong makaramdam pa siya ng guilt at para na rin sa sarili ko, para habang maaga pa ay maalis ko na ang nararamdaman kong ito.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon