TP25

357 13 2
                                    

Veronica's POV,

"Di ko nga maalala mga magulang ko eh." Natatawa kong kuwento kay Cyrus. Though hindi ko naman talaga alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko pero parang nasanay na kong kausap siya kaya halos lahat ng sasabihin mo may tawa.

"Hala legit? Gusto mo hanapin natin?" Gulat nitong turan.

"No'ng makita kasi ako ni Reagan, nagka-amnesia--" Napahinto ako sa pagsasalita nang maalala kong pinagbawalan pala ako ni Reagan na sabihin ang nangyari sa akin kahit kanina.

"Nakita ka ni Theo? Ha? Ano raw?" Sunud-sunod na tanong sa akin ni Cyrus nang hindi ko tinuloy ang sasabihin ko sana kanina.

"Ah w-wala. Ganito kasi 'yan, b-bago pa kami magkakilala ni Reagan, nagka-amnesia na 'ko kaya siya lang kilala ko simula noong magising ako sa ospital." Half truth kong pag-amin dito. Totoo naman na si Reagan lang ang kilala ko simula noong makalabas ako sa ospital dahil siya lang naman ang nadatnan ko pagkagising ko. Ni hindi ko nga alam kung makakaalala pa ba 'ko o hindi.

Ngunit may kung ano sa akin na gustuhing huwag nalang maalala ang mga sandaling iyun sa buhay ko. Pero dahil hindi ako mabubuo kapag hindi ko binalikan ang totoong ako, kailangan ko pa rin itong maalala.

"Bakit? Napa'no ka?"

"E, tara na nga. Masyado ka ng chismoso." Pag-aaya ko nalang rito sabay hila sa kaniya patayo dahil tapos na ang break namin at sinamahan ko lang siya kumain kasi sabi niya iniwan daw siya ng  Baka kung ano pang masabi ko dahil maski ako ay naguluhan sa mismong sagot ko sa kaniya.

"Hoy Jade! Napapansin ko pagiging close niyo ni Cyrus ah. Anong update mhie?" Tanong sa akin ni Kylien pagpasok ko ng classroom. Makikiusyoso na naman 'to.

"Wala." Maikling sagot ko lang rito.

"Wala raw pero dinitch kami just to see him. Tell me who're really your friends here?" Pangungulit pa nito habang nakapamewang nang pabiro. Pero umupo rin 'to sa bakanteng upuan sa harap ng seat ko at tumalikod nang upo sa akin. "Paano na 'yung boyfriend mo niyan? Break na kayo?"

"Baliw! Kaibigan siya ng boyfriend ko." Mahina akong napasinghap ng hangin nang sabihin ko ang salitang boyfriend. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako sanay na tawagin si Reagan na boyfriend dahil napakamoody ng bakulaw na 'yun. Minsan 'di ko siya maintindihan. Bigla-bigla nalang akong pupuntahan sa apartment kahit gabi na tapos aalis din agad kasi sasabihin niyang may gagawin pa siya pabalik ng Maynila. Parang baliw lang na nagsasayang ng gas sa pagpunta rito kahit wala namang pakay talaga.

Magsasalita pa sana si Kylien nang dumating na ang professor namin sa Rizal subject. As usual, discussion lang ang naganap at may pabaon na namang learning task. Isang subject lang naman ang meron ako after lunch break kaya maaga rin akong nadismiss.

"Haliparot! Napaka-caring naman ng 'kaibigan' ng 'boyfriend' mo at talagang hinintay ka pang lumabas." May diing sabi ni Kylien habang nakanguso. Sinundan ko naman ang tinuturo niya at doon ko nakita si Cyrus na nakatingin sa akin habang nakangiti. "Ano sis, binilin ka ng boyfriend mo sa friend niya na mag-aala-bodyguard mo? Sosyal mo naman, si Cyrus pa ginawa mong bodyguard ah!"

"Ang issue mo! Dati ka bang itlog?" Biro ko rito sabay labas at lumapit kay Cyrus.

"Ano, 'di ka na naman sasabay sa amin?" Si Roella ang nagsalita.

"'Di na. Mukhang may kailangan sa 'kin si Cyrus." Sabi ko lang rito.

"Sumbong kita sa boyfriend mo." Bulong sa akin ni Kylien bago tuluyang umalis kasama si Roella.

The ProstituteWhere stories live. Discover now