TP18

388 9 0
                                    

Veronica's POV,

"Ayy pocha late na ko!" Natataranta kong sigaw nang makita kong 8:30 na at ang klase ko ay 9:00 am. Tinapos ko kasi ang problem set namin sa differential calculus na due bukas at music composition para sa Life and Works of Rizal subject. Hindi ko kasi 'to naggawa nong isang araw kasi doon ako natulog sa condo ni Reagan dahil nagkasakit siya.

Nagmadali na ko sa CR at hindi ko alam kung paanong wasik-wasik ginawa ko at alos 15 minutes lang ako sa CR. Pagkatapos ay nagbihis na ko at lakad-takbong tinahak ang daan papuntang university. Differential Calculus pa naman first subject, shems!

"Ayy anak ka ng nanay mo!" Sambit ko nang mabunggo ako sa katatakbo ko. Naman talaga, ngayon pa nagtatanga-tanga!

"Are you ok, Miss?" Sabi ng mamang nakabunggo sa akin. Napatingin naman ako sa kamay nitong nakalahad. 

"Ah opo." Saad ko at tumayo sa sarili ko. Pinagpag ko naman ang uniform ko. Tinaas ko naman ang tingin ko sa lalaki. "Cyrus?"

"Oh you know me?" Tanong niya as if hindi siya aware na famous siya sa school na 'to.

"Ah opo." Sabi ko nalang dahil ayoko na mag-explain at late na 'ko. "Una na po pala ako." Sabi ko at hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Rude ko yata, sorry pouh!

"Ho!" Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong wala pa si Ma'am.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko nang mapansin kong nakatingin sila sa 'kin. Pinunasan ko nalang ang pawis sa noo ko dahil sa katatakbo kanina at umupo na sa upuan ko. Maya-maya pa'y dumating na si Ma'am.

"Ok, prepare for a quiz next meeting. The coverage will be from theorem 1 basic limit laws until theorem 20 intermediate value theorem. Next next meeting we will start on derivatives and I will discuss again the basic concepts of derivatives but that will be a review for you dahil sabi niyo naturo naman na sa inyo ang derivatives when you were in senior highscool." Sambit ng prof naman. 

Quiz pa nga! Pero buti nalang nasa private ako, may textbook kaya no worries sa pagrereview. Pupunta nalang ako ng library para magpractice ng solving.

Dahil break na namin ay nag-ayos na kami ng gamit. Sasabay nalang ulit ako kila Kylien dahil sila naman talaga circle of friends ko rito.

"Ayy bongga mami, nasa labas si fafi Cy." Sambit ng kaklase naming bakla na si Atashi. 

Oo nga pala, I met him this morning, nakabunggo pa nga sa katangahan ko eh.

"Ayy nasa labas daw si Cy. Ginagawa non dito?" Rinig kong sabi ni Gianna. So far maayos naman sa school na 'to dahil hindi naman warfreak mga kaklase ko at hindi katulad ng mga highschool na uso bullying. Though may bully pero 'di naman ganun kaseryoso, just a smal trashtalk lang.

Nagulat naman ako nang paglabas namin ng classroom ni Ky ay sa amin nakatuon ang tingin ni Cyrus, or sa akin specifically?

"Wuy Jade, sa 'yo ba nakatingin si Cyrus?" Bulong sa akin ni Ky sa tenga. Binigyan ko naman siya ng 'hindi-ko-alam' look. At doon lang namin nakumpirma nang ngumiti ito sa akin at nagsimulang maglakad papalapit.

"Hey!" Bati niya sa akin kaya napalingon ang lahat ng mga kaklase ko sa amin. Sila Kylien naman bahagyang nagulat din. Paano naman ako na mismong binati niya? "You dropped this."

Natuon ang pansin ko sa pirasong papel na nakatupi. Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko na papel 'yun ng lyrics ng jingle na ginawa ko para sa LWR. Pocha, 'di niya naman siguro binasa 'yun diba?

The ProstituteWhere stories live. Discover now