TP66

311 10 2
                                    

Veronica's POV,

"Mama, tapos na po 'ko." Rinig kong tawag sa akin ng anak ko.

Kinuha ko na ang inigib kong isang balde para linisin 'yung pwet niya. Wala kasing sariling gripo ang banyo nila kaya kailangan mag-igib bago makagamit.

"Mag-antay ka, Moon." Bilin ko sa kaniya dahil baka umuna ng maglakad. May kalayuan pa man din ang CR sa cottage namin. Baka kung saan magpunta.

Pagbalik namin ng cottage ay agad na hinanap ng mga mata ko ang bunso ko. Mabilis na tumakbo pabalik sa tubig ang panganay ko para makipaglaro ulit kay Reagan. Sobrang close na nga nila tingnan ng mga anak ko eh. Hindi niya rin talaga iniiwan sa tubig. Lumapit ako para panoorin sila.

"Halika na, Jade. Maligo ka na rin." Tawag sa akin ni Reagan.

"Maligo ka na, anak. Kaya nga tayo nagpunta rito para mag-enjoy sa dagat, hindi para mag-enjoy kakapanood ng mga naliligo." Pagrarason ng inay ko na hindi ko man lang pala napansin ang paglapit sa akin.

'Di rin katagalan ay napapayag nila akong maligo. Parang bata kaagad akong sinabuyan ng tubig ni Reagan. Para hindi na rin masabihan na killjoy ay ginantihan ko nalang ito. Nakikisali pa ang dalawa kong anak pero kay Reagan lang ako nagtatalsik ng tubig dahil baka malagyan ng tubig ang tenga ng mga anak ko.

Nang magsawa ang mga anak ko ay sinundan naman nila ang kasamang mga bata para maglaro sa buhanginan, iniwan kami ni Reagan.

"Tita, may pupuntahan lang po kami saglit ni Jade." Nagtataka ko itong tiningnan. "Gusto kong subukan 'yung kayak. You know, so you can experience it."

"'Yung kayak na transparent?" Tumango naman siya bilang tugon. Nakikita ko rin 'yun minsan sa mga nagbabakasyon sa Palawan. Meron din pala rito. Sakto rin at nagsuot ako ng bikini sa loob. Naligo kasi ako habang suot pa rin ang loose shirt.

Nagpatangay nalang ako sa kaniya kung saan niya 'ko dadalhin. Hindi ko maiwasang maging conscious sa paraan ng pagtitig ng mga taong nadadaanan namin. Karamihan ay mga babae. Obvious naman na si Reagan ang tinitingnan nila. Napapasimangot nalang sila kapag binababa ang tingin sa kamay namin ni Reagan na magkahawak.

"Let's go, babe." Ani pa ni Reagan sabay hila sa akin sa may kayak. Hindi ko alam kung bakit pero may diin ang pagtawag niya sa 'kin ng 'babe'. "Dukutin ko na talaga mga mata nila."

Napakunot ang noo ko sa binulong niya. "Sinasabi mo diyan?"

"Why do you have to be so attractive? Ang dami tuloy tumitingin sa 'yo." Nagmamaktol niyang sabi.

Iginala ko ang mga mata ko para hanapin 'yung sinasabi niyang tumitingin daw sa akin. Meron namang iilan pero mas marami pa rin ang mga nakatingin sa kaniya.

"Ikaw 'yung maraming nakatingin. Ibalandra mo ba naman 'yang katawan mo sa kanila."

Naglalakad ba naman nang walang suot pang-itaas, tuloy ay kitang-kita ang perpekto niyang katawan. Hindi ko maiwasang pasadahan siya ng tingin. Mas lumaki ang katawan niya kaya understandable talaga ang tingin ng mga babae.

"Tara na nga. Ako lang dapat tumitingin diyan." Hindi ko mapigilang mamula sa mga sinasabi niya. Isama mo pa ang nakakunot niyang noo na parang anytime ay mandudukot na ng mga mata.

Medyo may kalayuan sa cottage namin itong pinuntahan namin. It looks like a lagoon na napapagitnaan ng dalawang bundok. Nang makalayo-layo na kami ni Reagan ay agad niyang nilabas ang phone niya sa bulsa. Inutusan niya pa akong umupo nang maayos sa dulo ng bangka para mag-pose. Salitan kami para may souvenir din siya.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon