TP57

196 9 1
                                    

Veronica's POV,

Matapos ang pagbisita namin ni Reagan sa Statue of Liberty ay pagod na pagod kaming bumalik sa hotel namin. Alas nuwebe na kami nakauwi  dahil kung saan-saan nalang na pasyalan ako hinila ni Reagan. Halos libutin na nga namin ang New York eh.

"You sleep now, Jade. Maaga pa tayo bukas." Paalala nito sa akin at siya pa talaga ang kumuha ng kumot ko para kumutan ako.

"Ikaw rin. Ang hirap mo pa man din gisingin." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"May alam akong magpapagising sa 'kin. Mas effective pa sa alarm clock." Napakunot nalang ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano na naman 'yan?"

"Kiss." Nagtaas-baba pa ito ng kilay kung kaya't napangiwi nalang ako. "Oh bakit? Ginagawa mo naman 'yun dati ah. Nagigising kaya ako do'n."

"'Di na, sampalin nalang kita bukas kapag hindi ka nagising. 'Yung hardcore." Pagbibiro ko pa.

"Luh, gumaganyan ka na Jade ah. Sa'n mo natutunan 'yan?"

"Ang landi mo talaga, Sir. Kung tinulog mo nalang 'yan, hindi ka mapupuyat bukas." Sabi ko at nagtalukbong ng kumot upang itago ang pag-init ng mukha ko.

'Yung puso ko parang anytime ay bibigay sa kaniya kaya hangga't kaya ko pang pigilan ay pipigilan ko. Kailangan kong ingatan ang puso ko dahil hindi pa 'to tuluyang gumagaling. Hindi ko maibibigay nang buo ang pagmamahal ko kung ako mismo ay hindi pa ulit nabubuo ang sarili ko.

Isa sa mga natutunan ko sa buhay ay 'yung unahin ang sarili ko. Masasaktan ka talaga ng husto kung laging iba ang inuuna mo kaysa sa sarili mo. Iwan ka man ng mundo kung nandiyan ka para sa sarili mo, makakaya mo lahat ng iyun. Alam mo kasing hindi ka iiwanan ng sarili mo basta huwag mo lang siyang kinakalimutan. Sa sobrang pagmamahal ko kasi sa mga tao sa paligid ko, nakakalimutan ko na ang sarili ko. 'Yun ang dahilan kung bakit sobrang nalugmok ako.

"Goodnight, Jade."

"Goodnight, Sir." Tanging nasabi ko nalang bago ako lamunin ng antok.

Kinabukasan ay ako ulit ang maagang nagising sa aming dalawa. Nag-unat-unat muna ako bago mapagdesisyunan na bumangon para gisingin na siya dahil mag-uunahan pa kami sa pagligo.

"Reagan," panggigising ko sa kaniya at tinapik-tapik pa ang pisngi niya. Gumalaw naman ito nang bahagya at napapakunot ang noo kung kaya't mas nilakasan ko pa ang pagtapik.

"Babe, maaga pa." Nakapikit pa nitong turan. Napahinto ako saglit sa pagtapik sa kaniya nang may maalala ako. Ganito ko rin siya gisingin noon at ganiyan din ang lagi niyang sinasagot.

"Sir, gising na. Maaga pa ang flight natin." Sabi ko rito.

Dahan-dahan nitong dinilat ang mga mata niya at tumitig sa mga mata ko. Ang mga titig niya na tila'y humihila sa akin ay ang siyang nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. Matagal na simula noong huli kong pagmasdan ng ganito kalapit ang mukha niya. Ang mga mata niya na parang laging nangungusap ay salamin ko sa totoo kong nararamdaman sa kaniya. Ang ilong niya na sobrang tangos ay nagiging katunayan kung gaano kalapit ang distansya namin upang marinig ang tibok ng puso ng bawat isa. Ang mga labi niyang malambot naman ay parang laging humahatak sa akin upang naisin kong idampi ito sa akin.

"Love you."

Mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kaniya nang magsalita siya. Natataranta akong tumalikod upang pakalmahin ang puso kong hindi magkamayaw sa katitibok.

"Ahm.." napalunok muna ako sa sobrang kaba. "Maligo ka na, Sir. Susunod ako." Sabi ko at nagpunta sa maleta ko upang kumuha ng damit na susuotin. Saka ko lang naalala na may nilabas na pala akong damit kahapon, nagulo ko pa tuloy ang gamit ko.

The ProstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon