"Who are you?!"

"I'm Gildor Naires Lifino - I'm an Elf." Tipid itong tumango sa akin.

Kakausapin ko pa sana siya ngunit isang malamig na hangin ang marahang humampas sa aking likod. Napatingin ako sa aking likuran ngunit sa aking pagbalik ng tingin kay Gildor ay wala na ito sa aking tabi.

"Gildor?!" Sumigaw ako.

Napalingon ako sa aking kapaligiran ngunit sa di kalayuan ay nakita ko ang gulat na mukha ni Gildor. Katulad ko'y luminga-linga ito.

"Gildor!" Sigaw ko sa kanya ngunit panibagong hampas ng hangin ang nagpalayo sa amin.

Hindi ko na siya maramdam.

May narinig akong tumawa sa aking likod. Wala akong makita.

"Magpakita ka!" Sigaw ko at hinigpitan ang aking kapit sa aking sandata na dala.

Isang halakhak ang namayani sa kapaligiran.

Tinapon ko sa pinanggalingan ng boses ang aking sandata sa kanang kamay at pinabalik ito sa akin gamit ang aking kapangyarihan.

"Mag-isa ka na lamang, hangal na bampira."

Maliit ang boses at makapal. Isa lang ang pumasok sa aking isipan. Mga mapanlinlang na anyong lupang mga nilalang. Tinatawag silang nymphs, at itong tumatawa sa akin ay isang lupang nympho. Likas itong mapaglaro at mapanlinlang.

May kumalabit sa aking likod at nang paglingon ko'y isang sampal sa mukha ang aking naramdaman.

Tumawa ito.

"Mag-tago ka sa ngayon dahil sa oras na mapapasakamay kita'y puputulin ko ang iyong dila!" Pag-babanta ko ngunit tinawanan lang ako nito.

Pinagliwanag ko ang aking kamay at gumawa ng isang taktika gamit ang mahika kung saan madali ko itong mahanap. Nakita ko itong nakatago sa isang malaking bato.

Maingat akong lumapit doon at tumalon sa kanyang harapan. Nanlalaki ang mga mata nito at mabilis ko siyang pinuntirya ng aking sandata na may basbas.

Ngunit nagulat ako sa aking nasaksihan. Bigla nalang itong naging abo at naramdaman ko nalang ang malakas na suntok sa aking likuran.

Napamura ako sa aking sarili. Marahas akong lumingon doon at nakita ko itong nagtago sa isang puno. Mabilis ko siyang sinundan ngunit pagkarating ko'y bigla na naman itong nagpakita sa katabing puno.

"Paanong?"

Tinawanan lang ako nito tumakbo sa madilim na parte. Hindi kabilugan ang buwan ngayon kaya hindi sapat ang liwanag na aking nakikita. May matalas na pakiramdam at mga mga mata ang mga bampira ngunit sa angking talino at mapaglaro ng lupang nympho ay hirap ako dito.

Nagpakita ito sa taas ng puno habang tumatawa sa akin. Tumalon ito sa kadiliman at nagpakita na naman ito sa ibabaw ng bato. Ibinato ko sa kanya ang aking hawak na sandata ngunit bigla itong lumitaw sa aking ulo na may dalang matigas na kahoy.

Hinampas niya ito sa aking mukha. Napaatras ako doon at napahawak sa aking nagdurugong ilong.

"Ginagalit mo ako!" Sigaw ko.

Tinawanan lang ulit ako nito at ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo. Sunod-sunod kung binato sa hangin ang aking sandata at mabilis itong lumipad pabalik sa akin binato ko na naman ito ng paulit-ulit.

"Hangal na bampira!" Nagpapantig ang aking tenga sa kanyang paraan ng pagtawa. Nakakainsulto.

Nilagay ko sa aking tagiliran ang aking sandata at mas pinaningas ang aking mapupulang mata.

"You like tricks huh, then let me show you mine!" Galit kong sambit at sinagot lang ako nito ng nakakainsultong tawa.

Gumawa ako ng malaking bilog na harang  upang hindi siya makalabas pa. Nagpapakita ang aking harang ng mga simbolo at letra.

Hindi ko marinig ang tawa at nakita ko itong gumagawa ng hukay sa lupa para doon dumaan para makalabas sa harang na aking ginawa.

Mabilis kong pinalipad sa gawi niya ang sandata sa aking tagiliran ngunit dalidali itong tumigil sa paghukay at iniwasan ito. Naglaho ito na parang usok na itim at biglang lumitaw sa aking likuran dala ang aking sandata.

Mabilis akong umiwas sa kanyang atake at tumalon na paikot sa ere. Bago ko itapak ang aking mga paa sa lupa ay nagpakawala ako ng isang maliit na bolang enerhiya na tumama sa kanyang maliit na katawan.

Nang ito'y makabawi ay bigla-bigla itong lumitaw sa kung saan habang nagpapalipad ng mga bato at matutulis na kahoy patungo sa gawi ko. Mabilis ko itong iniwasan ngunit hindi ko nasundan ang kanyak susunod na atake. Bigla itong lumitaw sa aking paa at binigyan ng hiwa gamit ang aking sandata.

Mabilis akong tumalon paatras at ngunit panibagong hiwa ang aking naramdaman sa aking likuran. Tumawa ulit ito sa akin.

"Kay hina mo naman."

Ilang beses akong napamura.

May kakayahan itong lumitaw at magpalipat-lipat ng lugar. Maliit ito kaya mas naging mahirap sa akin upang mapatamaan siya.

Kailangan kong mag-isip ng paraan para matalo ang nilalang na tumatawa sa aking harapan ngayon.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now