"Kumuha ng mga impormasyon tungkol sa mga makapangyarihang kagamitan."

"A-anong gagawin mo sa mga kagamitan na iyon?"

Pareho kami ng layunin, pero pagdating sa intensyon, pareho ba kami?

"Balak ko itong gamitin para ipaghiganti ko ang aking mga magulang. Balak kong malaman at mapatay ang pinuno ng umbramancers."

"Moiraine," sumasayaw sa gitna namin ang apoy. "Binigyan ako ng misyon na nahanapin ang mga kagamitan na iyon. Nanaginip ang mga konseha sa kaharian ng Eldrovia na may babae sa kanilang panaginip upang hanapin ako."

"Babae? Sa kanya ba galing ang boses na iyon na bumubulong upang tulungan ka?" Nanlalaki ang kanyang mga mata at halata ang pagkalito at gulat.

"H-indi ko alam. Pero malaki ang tyansang baka ang babaeng bumulong sayo't sa panaginip ng mga konseho ay iisa lamang."

"Ngunit ang tanong. Sino siya?"

"Anong nilalang siya?" Tanong ko pabalik.

"Ano ang layunin niya?"

Panibagong misteryo na wala namang kasiguraduhang sagot. Sino ba ang babaeng iyon? Ano ang papel niya sa paglalakbay na ito?

"Litong-lito na ako sa mga pangyayari, Moiraine." Iling na iling na saad ko.

"S-sasamahan kita. Dahil may mga tanong at layunin din akong kailangan ang tulong mo. Sabay natin itong tutuklasin."

"Tungkol sa mga kagamitan na iyon, may alam ka ba kung saan saan ito matatagpuan?"

Napasapo siya sa kanyang noo at umiling. "Pasensya na, Noella ngunit wala talaga akingh idea. Kaya palipat-lipat kami ng kaharian para kumalap nang impormasyon ngunit wala ni isa ang nagtangkang magbigay."

"I-sa lang ang alam ko." Mahina kong sambit.

Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nag-aabang sa aking sasabihin.

" The aetherian Crystal, harnessing the essence of air and wind. The council told me that it can be found in the high mountains."

"Where exactly?"

"The council didn't have any idea either."

"A-anong plano?"

Pareho kaming nag-isip ng malalim at napatingin nalang kami kay Yorra ng nagsalita ito.

"Puntahan natin lahat ng mga matataas na bundok na alam at madadaanan natin." Suhestyon niya na mabilis naming sinang-ayunan. Nanlaki ang mga mata nito at biglang tumayo sa panibagong idea na pumasok sa kanyang isipan. "Ang kaharian ng Encantias ay isa sa may pinakamalaking sinasakupan sa mundo. Na. Pinamumunuan ni haring Harellio at reyna Diana na purong diwata at diwato. Nabubuhay sila sa kabundukan at kagubatan."

Kinabukasan sinundan namin si Yorra na ngayo'y nasa unahan habang bitbit ang mapa na dala ko. Malaki pa ito sa kanya.

Sana maayos na siya.

"Ay dito!"

"Dito pala!"

"Luh, diretso na pala."

"Yorra, marunong ka ba talagang gumamit ng mapa?" Tanong ni Moiraine.

"Hindi,"

Para akong nanghina sa aking narinig

"Sana sinabi mo kanina."

"Diba naglalakbay kayo?" Tanong ko kay Moiraine." Diba dapat may alam na kayo dito?"

"Si Yorri kasi talaga ang may alam sa paglalakbay." Mahinang sambit ni Moiraine.

Nakita ko ang biglang pagtigil sa paglalakad si Yorra.

Mahinan itong nagsalita. "Hilig niya ang pagbabasa tungkol sa lahat ng mga kaharian sa mundo. Kaya siya ang nangunguna sa aming paglalakbay."

"Isa ang Encantias sa hindi pa namin mapuntahan. Madami ang kaharian sa mundo, Noella. Ilan palang ang napuntahan namin. Dahil minsay ay tumitigil kami ng matagal pag may digmaan o delikadong magpatuloy." Pagpapatuloy ni Moiraine.

Nanlumo ako sa narinig ko. Paano na 'to? Nabuhayan ako sa ideyang pumasok sa aking isipan. Umaasa akong tumingin kay Moiraine.

"Paano kung gamitin mo ang iyong mga ibon para tumingin sa taas?" Sabi ko.

Mabilis itong tumango at pumwesto. Gumalaw ang kanyang mga kamay na parang may tinuturo at ang dulo nito'y nagliwanag ng kulay puti.

May biglang lumitaw na elegante, maganda at pamilyar na isang ibon sa kawalan. Nagkukulay pula ang mga mata ni Moiraine. Sinundan ko ng tingin pataas ang ibon nang lumpidad ito ng mataas sa himapapawid.

Hanggang sa hindi na ito kayang abutin ng aking paningin. Nanatiling seryoso si Moiraine habang gumagalaw ang kanyang mga kamay sa iba't-ibang direksyon. Lumipas ang ilang minuto'y nakita ko ang bumubulusok na ibon pababa at maingat itong pumatong sa naka-abang na braso ni Moiraine.

Mariin silang nagtitigan at alam kung nag-uusap sila sa kanilang mga isipan. Kahangahanga. Binuka ng ibon ang kanyang magandang pakpak at lumipad sa aming harapan hanggang sa mas nagliwanag ang katawan nito't bigla nalang nawala sa kawalan.

Sumilay ang ngiti sa aming mga labi namin ni Yorra dahil sa aming narinig.

"Nasa timog matatagpuan ang kaharian ng Encantias."

Sumakay na ako sa aking kabayo habang nakasakay naman si Yorra at Moiraine sa likod ni Wili. Sa bawat hakbang ng aming sinasakyan ay siya namang pag-usbong ng saya at pag-asa sa aming mga puso.

The World Of Ellorin (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu