"Bukas ng gabi."

Nag-salita ang hari sa taas kaya napatingin ako sa kanya. "Hiling ko ang iyong kaligtasan, Noella."

"Mahal na h-ari." Yumoko ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Wag kang mag-alala, Noella. Alam naming may gagabay sa iyong paglalakbay at alam naming may malaking rason kung bakit ikaw ang tatahak sa landas na ako ang ina-asahan ng lahat na gagawa. Isa itong malaking katanungan sa aking isipan."

"P-ero bakit nga ba ako, mahal na hari?"

"Bakit nga ba ikaw?"

"Hindi ko alam, mahal na hari."

Napatingin ako sa isang konseha nang bigla itong nagsalita.

"Walang kahi't sino ang may idea kung bakit ikaw, Noella. Ngunit alam namin na ikaw ay may angking lakas at tapang para sa landas na tatahakin mo."

"Ngunit ako'y natatakot at nangangamba din."

"Ngunit alam ko na alam mo sa sarili mo na sa likod ng takot at pangangamba na nararamdam mo'y gusto mo din mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng iyong magulang. Alam kong nais mo din ay kasagutan, hustisya at kapayaan sa para sa lahat. May mabuting kang puso at malinis na intensyon, Noella. Kaya siguro pangalan mo ang lumabas sa bibig ng misteryosang babae."

Ramdam ko ang pagdaloy ng aking luha sa aking mga mata. Pamumuo ng kaba at takot. Mga tanong na pilit naghahanap ng kasagutan.

Masasagot ba lahat ng aking mga katanungan sa aking paglalakbay? Ano nga ba ang mga naka-abang sa akin?

"Mag-ingat ka sa'yong paglalakbay, Noella."

***

Ito na ang simula ng aking paglalakbay.

Nakasakay ako sa aking kabayo habang may nakasukbit na bag sa aking balikat. Malapit ng gumabi kaya itinigil ko muna ang aming paglalakad at bumaba sa lupa.

"Pagod ka na?"hinaplos ko ang mukha ng kabayo.

Pinakiramdaman ko ang buong kagubatan at sa di kalayuan ay may narinig akong agos ng tubig kaya dahan-dahan kong sinundan ang tunog nito.

At nang makita ko ang sapa ay pinainom ko ng tubig ang aking kabayo at naghilamos ng aking mukha

Nagpatuloy ang aking paglalakad sa gubat, kasama ang aking kabayo na taimtim na naglalakbay kasabay ng agos ng sapa. Ang kagubatan ay bumabalot sa paligid, nagbibigay ng kahalumigmigan at kapanatagan sa aking kalooban. Ngunit bigla, may naramdamang kakaibang kilabot sa aking balat, parang may mga mata na sumusundan ang bawat hakbang ko.

Mukhang hindi lang ako ang naging alerto dahil mismo ang kabayo ko ay nagsimulang gumawa ng ingay at pilit umalis sa aking pagkakahawak para tumakbo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, ngunit ang kilabot ay hindi nawala. Biglang may malakas na kalabog sa aking likuran, at nang tumingin ako, nagulat ako sa nakita ko. Isang malaking hayop, may matinding lakas at kapangyarihan, ang nasa harapan ko.

May matutulis at malaking sungay. Anong klaseng hayop ito?!

Pinakawalan ko ang aking kabayo at hinayaan itong tumakbo kung saan.

Tumigil ako sa aking paglalakad at maiging pinagana ang aking kaisipan. Kailangan kong manatiling mahinahon at magamit ang aking natatanging kapangyarihan. Hindi ko pwedeng ipakita ang takot ko, kailangan kong ipakita na ako ang may kontrol.

Nagpatuloy ang paglaban. Ang hayop ay lumapit sa akin, umaaligid at naglalabas ng malalakas na ungol. Binabantayan nito ang bawat galaw ko, umaasa na mabihag ako sa takot. Ngunit hindi ako papayag.

Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay, nagpapakita ng aking kapangyarihan. Ang mga alon ng enerhiya ay sumalubong sa aking palad, nagbibigay ng liwanag at lakas. Tumunog ang malakas na sigaw ko, nagpapakita ng aking determinasyon na harapin ang hamon na ito.

Nagsimula ang laban. Binigyan ko ng malakas na suntok ang hayop, ngunit ang lakas nito ay hindi madaling malampasan. Nagpatuloy itong pilit na itutuhog ako gamit ang kanyang sungay ngunit pilit ko itong hinahawakan at itulak papalayo sa aking katawan. Mas nagliwanag ang aking mga kamay habang nakahawak dito.

Ang hayop ay naglalabas ng kaniyang mga kuko, umaatake ng mabilis at malakas sa ilalim. Ngunit hindi ako nagpapatalo. Ginamit ko ang aking bilis at kasanayan upang madaya ang hayop.

Lumihis ako sa mga atake nito ngunit isang malakas na sipa ang natamo ko kaya malayo ang nilipad ng aking katawan na tumama sa isang matigas na kahoy.

Mahina akong tumayo at inihanda ang aking sa sarili. Mabilis itong tumakbo sa aking kinatatayuan at naka-abang ang matutulis nitong sungay sa skin. Mataaa akong tumalon at hinuli ang sungay nito gamit ang aking dalawang nagliliwanag na mga kamay.

Umikit ako sa ere habang hawak ang mga sungay at dahil sa lakas ko bilang isang bampira ay sumabay ito sa pag-ikot sa ere. At nang tumapak ako mga paa ko sa lupa ay buong lakas ko itong hinambalos at binagsak sa lupa.

Nangisay ito sa sakit

Naramdaman ko ang pagod na unti-unting sumisidhi sa aking katawan, ngunit hindi ako sumusuko. Ang aking determinasyon na manalo sa laban na ito ay hindi matitinag. Patuloy akong kumakasa, patuloy na umaatake, at patuloy na nagtatangkang mapatumba ang hayop.

Sa huli, sa gitna ng aming bugbugan, nagawa kong mapatumba ang hayop. Ang mga mata nito ay nawalan ng sigla, at ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa. Nararamdaman ko ang kahalumigmigan ng tagumpay, ngunit hindi ako nagpahalakhak.

Sa halip, pinili kong magpasalamat sa kalikasan sa pagbibigay ng lakas at tapang upang harapin ang hamon na ito.

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now