Nanginginig ako sa takot at kaba.

"Ikaw? May naghihintay ba sa'yo?"

Natahimik ako sa tanong na iyon. May naghihintay nga ba sa akin? Si Edna at Levi ay alam ko namang kaya nilang mabuhay na wala ako. We just met few years ago, not that long for them to wait and look for me.

Minsan lang din ako bumibisita sa kanila. Pero may parte sa puso ko ang umaasa na sana hinahanap nila ako.

Kumibot ang labi ko sa pag-asang iyon.

"W-ala." Tumingin ako sa mga kamay kong nilalaro ang aking mga daliri.

Umalis ako sa pagkakaupo sa matigas na higaan at tumayo sa likod niya.

"J-just take my life, not theirs." I pleaded.

Pumihit siya paharap at sinalubong ang lumuluha kong mata.

"May paraan pa para makatakas ka sa parusa mo, babae."

"Noella." I gave my name.

He just nod.

"Ano? Gagawin ko ang lahat basta wag niyo lang idamay ang buhay ng mga kasama ko."

"Maghintay ka't may susundo sa inyo."

Nakasiklop ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran habang humakbang paalis sa aking kulungan.

Napaupo nalang ako sa malamig na sahig.

Natatakot ako.

Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha habang nagtaas baba ang aking mga balikat.

Humigit isang oras akong tulala ng biglang may bumukas sa rehas. Dalawang kawal at dalawang tagasunod na mga babaeng nilalang.
May dala-dala itong dugo at pagkain na siyang nagpaka-uhaw sa aking lalamunan.

"Uminon ka at kumain upang manumbalik ang iyong lakas." Yumuko ang nasa kanang tagasunod at ibininaba ang kopitang naglalaman ng dugo at pagkain ng hindi tinigtignan ang aking mga mata.

Pagkatapos ay umalis sil patungo sa dulo ng kulungan. Sinundan ko ang tunog ng kanilang mga yapak at dinig ko ang pagbukas ng rehas. Hindi nakatakas sa aking tenga ang gulat at takot sa boses ng aking mga kasama.

"Uminom kayo't kumain upang makalabas na kayo."

Napabughak ako ng mahinang hininga sa aking narinig. Sandali akong pumikit at nagbigay ng pasasalamat sa hangin.

Mabilis kong ininom at kinain ang ibinigay nila sa akin. Wala pang ilang minuto'y bumalik sila para lagyan ako ng kadena sa aking mga kamay. Sumunod na lamang ako ng tahimik at hinayaan silang dalhin ako sa kung saan.

Ng makarating kami sa taas ng palasyo ay sumalubong sa aking paningin ang hari na nakaupo sa kanyang trono at ang pitong mga elves na tila nag-aabang sa akin.

"Noella." Lumukso ang pakiramdam ko ng marinig ang mahinang boses ni Delpha.

Lumuluha ang mga kasama ko.

Binigyan ko lang sila ng tipid na tango at ngiti habang nagbabadya ang aking mga luha.

Nahagip ng aking tingin ang lalakeng nakausap ko sa kulungan.

"Sa araw na ito ay binibigyan ko ang mga kasamahan mo ng basbas at pahintulot na maging malaya kapalit ng iyong sagot at pagtanggap sa misyong ibibigay ko saiyo, Noella." Mababa at makapangyarihan boses ng hari ang umalingawngaw sa bawat sulok ng malaking kwarto.

Ramdam ko ang namumuong pawis at kaba sa dibdib ko.

Misyon? Anong Misyon?

"A-nong ibig niyong sabihin?" Nanginginig kong tanong.

Humakbang ang isang elf habang mariin akong tinitigan sa mga mata.

"Habang bumubuo ng hakbang ang grupo na aming kinabibilangan noon sa pag-buo ng itim na enerhiya'y pinili naming humakbang paatras na siyang kinagalit ng aming pinuno. Ngunit nanlaban kaming sampu at siyang rason sa paglagas ng tatlo naming kasama. Sa kasamaang palad, hindi namin napigilan ang Umbramancers sa kanilang plano. Kaya bumuo kami ng aming sariling hakbang. Sa pinagsama naming kapangyarihan at kakayahan ay tumawag kami ng isang makapangyarihang nilalang na alam naming magbibigay sagot at solusyon sa lahat ng delubyong ito. Isang nilalang na kapayapaan at pagkakaisa lamang ang layunin. Ngunit sa kasamaang palad ay natugis kami ni Morvath na nangunguna sa Umbramancers. Pinatay siya habang umuusal ng dasal, wala kaming nagawa dahil hawak ni Morvath ang buhay ng aming mga kapareha at anak. Sana'y binuwis nalang sana namin ang aming buhay dahil pinatay parin ni Morvath ang aming mga pamilya." Nagbabadyang tumulo ang kaniyang mga luha at nanginginig ang kanyang boses.

"Sa natitirang kapangyarihan ni Seraphines ay bumuo siya ng apat na makapangyarihang mga bagay nagmagpapatumba sa buong Umbramancers. Tinaas niya ang kanyang mga kamay sa kalingatan at isang nakakasilaw na liwanag ang yumakap sa kanyang katawan at umusal ng dasal na punong-puno ng pag-asa at pagmamahal. Doon nabuo ang mga makapangyarihang bagay na kinalat sa san libutan ng Ellorin."

Napalingon ako sa ika-anim na Elf ng bigla itong nagsalita.

"Isang araw bago kayo nanghimasok sa palasyo'y may pamilyar na kapangyarihan ang ang gumising sa aming lahat. Isang misteryosang presensya at kapangyarihan ang nagpakita at nagbigay ng propesiya na nasa kaharian ng Eldrovia matatagpuan ang babaeng kaya pang gamitin ang abilidad at kapangyarihan. Bago pa kayo nanghimasok ay kilala ka na namin Noella. Ibinigay niya ang iyong pangalan at balak sana namin kinabukasan ay ipahanap ka sa mga kawal sa bayan. Ngunit tila tadhana na ang nagpalapit sayo sa amin."

Ako? B-akit ako? W-wala akong lakas at kakayahan para sa resposibilidad na ibibigay nila sa akin. Ngunit ang aking pagpayag ang siyang magsasalba sa buhay ng aking mga kasama. Napalingon ako sa kanila at nakita ko ang namumuong pag-asa sa kanilang mga mata.

"Iligtas mo ang mundo natin, Noella." Mahinang tugon ni Delpha na punong-puno ng kompyansa at pag-asa.

"Find those powerful artifacts that could mend this mess, Noella." Biglang sabay ng makisig na lalake na nakausap ko kanina sa ilalim ng palasyo.

Kumabog ang kaba sa dibdib ko sa lahat ng aking narinig at nalaman.

Parang may mainit na yumakap sa aking puso ng makita kong tumayo ang hari sa pagkakaupo at lumapit sa akin upang lumuhod sa aking harapan. Ganon din ang pitong elves, mga kasamahan ko, mga kawal na kanina pa nakatago sa dilim, at ang makisig na lalake.

Nanlalaki ang aking mga mata at tumulo ang aking luha sa kompyansa at pag-asa na aking nakikita sa kanilang mga mata.

Nagbigay ito ng kakaibang pakiramdam sa aking sistema. Tuwa, galak, takot, pangamba at pag-asa.

"Fate chose you for a reason, Noella." Mababa ngunit malambing na boses ang nagpatulo ng aking mga luha. Ang aming mahal na hari.

-
Excited na ba kayo sa journey ni Noella sa paghahanap ng mga makapangyarihang bagay? Yieee!
Don't forget to vote.☺️

Happy reading everyone!

The World Of Ellorin (On-Going)Where stories live. Discover now