#16//: Getting-To-Know-Each-Other

Magsimula sa umpisa
                                    

Tuluyan na kaming lumabas ng Library. At magkahawak ang kamay. Well. Normal naman daw iyan sa mag-on eh.

"Chaaaa!!!! Paturo sa math!!!" Si Karen at Sarah na nakasalubong namin.

Sasagot pa sana ako ng biglang sumabat si Gwapo.

"Special Time. So find someone to teach that. " Si gwapo na hinarangan ang dalawa sa paglapit saken.

"DATE NA NAMAN?!!" Gulat na tanong ni Karen. Alam na nila ang ibig sabihin ng Special time. Nasabi ko yata.

"Ah ganun ba Leader. Okay take care and enjoy." Si Sarah na hinila na si Karen palayo.

Tuloy na ulit kami ng lakad ni Gwapo. At heto nasa harap na kami ng sasakyan niya.

"Hop in."

. . . Sarah POV . . .

Huminto kami ni Karen sa harap ng Library. Kaya naman siguro namin mag-aral ng kami lang.

"Paano na yan?? Babagsak na naman tayo sa Math..."Malungkot na sabi ni Karen habang kinukusot ang dulo ng skirt nito.

"Hindi yan... tiwala lang..." Nakanguso kong sabi. Gusto ko man ibuild up ang down na down na si Karen pero hindi ko alam paano. Eh kasi kung tanga iyan sa Math. Mas lalo na ako.

Paano ba naman kasi. Simula noong naging si Cha at Leader. Lagi nalang ayaw humiwalay ni Leader kay Cha. Sinosolo niya na ang besplen ko. Alam niyo iyong feeling na gustong-gusto ko ang love team nila pero naiinis rin ako kasi wala na time sa amin si Cha. Nagseselos rin ang mga besplen nu.

Pero sige lang. Kung iyon ang paraan para tuluyang maging masaya si Cha. Magtitiis nalang ako.

"Hey Babe!" Si RED MY CRUSH na biglang sumulpot sa pwesto namin ni Karen.

"Babe!" Ako na kumabit agad sa braso niya... hehehe. Paraparaan din di ba?

"Are you busy? Want to hang out with me? " Nakangiti nitong tanong saken.

"Busy? Naku always free ako! Malakas ka saken eh." Sabi ko dito...basta pagdating sayo hehe. Okay guys wag kayo magtaka kung mamaya kami na ni Fafa Red huh!

"Good. Tara?" Nakangiti nitong sabi.

"SIGE!! " Hehehe ibang klase kaya magyaya si Crush ng date. Hang out kasi ang word na ginagamit nito. Kumbaga indirect saying niya siguro yan ng pagyaya ng date hehehe

KINIKILIG AKO! Alam niyo iyon? Ang Gwapo niya kasi saka sobrang hot. Bagay na bagay sa kanya ang Red hair niya. Saka unlike Leader, siya ay medyo Moreno. Talagang pang-model. Mas may dating talaga siya kaysa kay Leader hihihi XD

"Hala! Paano na iyong math natin?!" Biglang apila ni Karen. Andito pa pala ito. At Oo nga pala magrereview pala kami. Pero kashe nemen endeto shi babe eh...

"Keri mo na yan Karen.TIWALA LANG." Sabi ko dito at tinapik ang balikat nito sabay hinila ko na si Crush palayo. Baka maantala pa ang date namin dahil kay Karen. Saka hindi lang naman ako ang kumikerengkeng dito nu. Si Cha rin naman. Sensya inuna ko ang landi kaysa aral. Mas mahalaga kasi ang lahi ng future babies ko hahaha.

"Saan ba tayo pupunta Red?" Pacute kong tanong. Ano ba kayo dapat sa mga ganitong momento ng buhay niyo ay pumaparaan na kayo. Walang mangyayari sa mga kukupad-kupad!

"Hmmm. Where do you prefer?" Sabi niya saka ako inakbayan.

"Anywhere basta safe." Pabebe kong sabi sabay lipbite hahahaha. Jeezz ang sexy ko na haha.

"Dadalhin ba naman kita sa harmful place? " Sagot naman nito at naglip bite rin. OMG! teka check ko lang ovary ko huh.

KYAAHH IBA TALAGA MAGPAKILIG ANG MGA CASSANOVA! Jusko! Pwede na talaga akong magpakasal!

SILENT QUEEN Book1: PRETEND (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon