"Ryle, bakit? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Instead of answering right away, Ryle remarked how Inesa smelled even better that day. Nagpalit ito ng pabango. Strawberry-scent naman.

'Argh, Ryle. Huwag kang magpapadala. Pabango lang iyan. Kunwari galit ka, nagtatampo. Huwag kang bibigay.'

Ilang beses siyang napailing sa isip maibalik lang ang sarili sa realidad. "Hindi ka nagpakita sa practice. Hinintay pa naman kita," kunwaring dismayadong sabi niya.

"Ah, iyon ba? Sorry. Naroon na kasi si Niko. Sabi niya, siya na raw ang bahala." Si Niko ang isa pang sportswriter nila, na nagsabing manonood ng practice match ng team nina Ryle para gawing practice sa mga balak nitong gawing article.

"But you promised." Lalo pang pinagtunog dismayado ni Ryle ang sariling boses. He even pouted his own lips to make it more real. Sa loob-loob niya ay natatawa na siya sa mga ginagawa, pero dahil mas gusto niyang makitang guilty si Inesa ay pinagbutihan niya pa ang pag-acting.

"Hala, huy, ang sabi ko lang naman, pupunta lang ako kapag absent si Niko. Pero dahil pumasok naman si Niko, nag-focus na lang muna ako sa ibang task," mahinhing sabi ni Inesa habang marahan pang niyuyugyog ang braso niya. "Huy, sorry na. Busy kasi ako. Bawi na lang ako."

Ryle knew na kahit hindi iyon gawin ni Inesa ay bibigay talaga siya. Sino ba namang hindi? Ang campus crush ng kalalakihan ay mahinhin at kalmadong nakikipag-usap sa kanya. Bonus pa na isa ito sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan sa school. But since Ryle was definite to his little acting, he removed Inesa's hand on his arm, making him look unswerving.

"A promise is a promise. Pero sinira mo iyon. Tuloy, walang nag-cheer sa team namin."

"Weh, wala raw! Sinungaling! Alam kong nandoon sina Conan at Ella, 'no! Imposibleng hindi sila nag-cheer sa iyo."

Hindi na napigilan ni Ryle ang pagngiti. Indeed, nakita nga niya sina Ella at Conan sa gym. Ryle can't even forget how Conan astoundingly caught the ball rushing to his face. Alam niyang iyon din ang naging reaksiyon ng mga manonood sa gym kanina. Sino ba namang hindi? Masyadong mabilis ang pag-ikot ng bola kaya't kamangha-manghang napigilan ni Conan ang momentum nito at perpekto pang nasalo gamit lamang ang isang kamay.

"Yes, nandoon sila. Pero ikaw kasi iyong gusto kong mag-cheer sa akin."

Natatawang napapangiti na lang si Inesa. Dahil sa ginawang pagngiti ni Ryle ay mukhang nakatimbre ang dalaga sa acting na ginagawa ng kaibigan.

"Sorry na kasi, Ryle. Huwag ka nang magalit." Muling hinawakan ni Inesa ang braso ni Ryle at bahagya iyong inugoy-ugoy. She even frowned at umakto pang naiiyak para lamang mahuli ang kiliti ng kaibigan. Pero kahit naman wala ang mga iyon, huling-huli na niya ang kiliti ni Ryle.

"Sige, kiss mo na lang ako sa lips." Bahagya pang lumapit si Ryle kay Inesa para ngumuso. May papikit-pikit pa nga itong nalalaman.

"Ang dami mo talagang kalokohan!" anang dalaga habang natatawang inilalayo ang mukha ni Ryle sa kanya.

"Biro lang, ito naman. Sige, dahil hindi ka tumupad sa pangako, libre mo na lang ako."

"Sure! Ano ba'ng gusto mo?"

"Marami, e. Paano ba iyan?"

Agad naman siyang kinurot ni Inesa at pabiro pang hinampas sa braso. "Dali na, may gagawin pa ako." Nagawa pa nitong sumilip sandali sa loob ng journalism room bago muling ibinalik ang paningin sa kanya.

Napatingala si Ryle sa kisame habang ang kamay ay nakahawak sa kanyang baba. "Puwedeng kape, salad, o burrito. Pero kung ayaw mong gumastos, puwede ring kiss na lang talaga. Madali naman akong pasayahin."

His Plastic DollWhere stories live. Discover now