Bahagyang naantig ang damdamin ni Conan sa pagkasaksi ng matinding konsentrasyon ni Ryle sa laro. Hindi niya maiwasang isipin kung paanong mas naging kaakit-akit tingnan ang kaibigan sa ganoong disposisyon. Seryoso, determinadong manalo, at nakasentro ang isip sa mga plano—mga katangiang wala sa kanya.

"Maiba, napapaisip ka rin ba kung bakit volleyball iyong napiling sports ni Ryle? I mean, bakit hindi basketball, e may height naman siya? O kaya naman, tennis. Teka, may tennis club kaya tayo?" tanong ni Ella, na sa laro nakatuon ang atensiyon. Nang muling ma-receive ni Ryle ang bola ay kapwa sila namangha. Pinanood ni Conan ang reaksiyon ni Ella, lalo na ang pagporma ng bibig nitong kani-kanina lamang ay hindi matahimik ay bahagya nang nakabuka na animo'y isang batang nanonood ng Discovery Channel.

At first, Conan only shook his head about her question and shrugged, but then a thought swam in. "Maybe it's where he first fell in love with?" Iyon lang din naman ang madalas niyang tugon sa mga taong nagtatanong kung bakit siya nahilig sa arts, kahit pa ba hindi naman arts ang kanilang kurso.

"Puwede. Pero siguro, oo nga. Given Ryle's concentration kahit pa practice game lang iyan, mukhang volleyball nga ang first love niya," Ella said with a spark in her eyes. "That makes sense now. Hay, Ella, bakit ba hindi mo naisip iyon?" Bahagya pa itong napatungo-tungo sa sariling sinabi bago hinarap si Conan nang may buong ngiti sa labi. "Feeling ko, na-energize akong mag-sport. Anong club kaya magandang salihan? Sa tingin mo? Ha? Ha? Ha? Bilis! Ano sa tingin mo?!"

Naningkit ang mga mata ni Conan habang nakatingin kay Ella. Samantala, naiwan namang clueless si Ella kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng kaibigan.

"Baks, ano ba?! No'ng nakaraang sem, nag-try ka rin sa chess club! Ni hindi ka naman tumagal ng kahit ilang araw man lang!"

That is Conan's problem with Ella. She's impulsive and hyperactive, like a dog set out of its leash. Gustong-gusto nitong subukan kung ano man ang maisip. Sa kanilang magkakaibigan, si Ella itong laging may plano sa galaan. Isa pa, madalas din itong magtampo; tipong ang hindi pagsipot sa hangouts na siya mismo ang nag-set ay isa ng malaking kasalanan. Si Ella rin ang reyna ng tsismis sa circle nila. Natatandaan ni Conan kung paanong halos katakutan niya rin ang gossiping skills nito. Best example ang pagkaalam niya sa naging case nila ni Jestoni noon. Sa totoo lang, wala naman siyang naikuwentong kahit ano tungkol sa binata. Nalaman na lang ni Conan na alam pala ni Ella ang tungkol sa kanila base sa mga source na nakalap nito.

But that doesn't change his view about their friendship. Kahit ganoon ang dalaga, itinuturing niya pa rin itong isa sa pinakamalapit niyang kaibigan. Dahil may pagkakalog man at tsismosa, si Ella itong katangi-tanging kaibigang dumamay sa kanya noong panahong lugmok na lugmok siya sa panggo-ghost sa kanya ni Jestoni.

Isa pa, kung hindi dahil kay Ella, hindi mabubuo ang circle na iniingatan niya. She was the one who "recruited" Inesa, Ryle, and him dahil na rin sa angkin nitong galing sa pakikihalubilo. Kung wala si Ella, hindi mabubuo ang Tropang X-tra Rice, na nabuo nang sabay-sabay silang tumayo para bumili ng isa pang kanin isang araw noong nagsabay-sabay silang kumain sa canteen noong first week nila sa school.

"Sige, ito na lang. What do you think of Ryle?" biglang tanong ni Ella na hindi malaman ni Conan kung saan nito nahugot. Her face was unbothered by the growing tension in the game. Tila nakaisip kasi ng taktika ang kabilang koponan kung paano nila ika-counter ang mga solid receive ni Ryle. Ang resulta, bahagya silang nahihirapan sa nagiging takbo ng laban.

"He's straight; if that's what you wanted to know," Conan replied in a dismissive tone and sipped again on his drink.

"Baks naman, hindi sa ganoon! I mean, look at him, don't you think he's some kind of boyfriend material? Maskulado, matalino, gentleman—and look at that smile! Gosh!"

His Plastic DollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon