Forty-Fourth One

Beginne am Anfang
                                    


"Mosey, anong gusto ni Julie? Bag? Jewelry? Dress? Food? Instruments? What?" Tanong ni Saab. 


Umupo naman si Maxene sa tabi ko. 


"Gadgets? Gusto ba niya?" 


"Kuya, ano bang gusto at hilig ni Ate Julie? Kagabi pa ko nag-iisip ng ireregalo ko sakanya." Si Arkin.


"Oo nga bro. Ang hirap regaluhan ng dyosa mong mapapangasawa." 


Natawa naman ako sakanila. 


"Bakit kasi kailangan regaluhan niyo pa siya?" 


"Pssh. Alangan naman na ikaw lang ang magreregalo noh? Alam namin na yayamanin ka pero hayaan mo na kami." Sabi ni Saab. 


"Oo nga naman Son. Ano bang gusto ni Julie. Magbigay ka naman ng clue. Gusto na niya ng car? Condo?" 


Tumayo naman ako. "Kayo talaga. Tingnan niyo nga si Clara may regalo na kay Julie. Simple lang. Hindi naman niya kailangan ng mga naiisip niyo." 


"EH ANO NGA?" Sabay sabay nilang sabi. 


Tinawanan ko naman sila. Nag peace sign naman ako. 


"Oo na. Book. She loves to read books." 


Nagkatinginan naman silang lahat sabay nagsitakbo papunta sa labas. Tumingin sakin si Mommy. 


"Book talaga?" 


Tumango naman ako. "Yes, Mommy. Dinala ko nga siya sa secret place natin eh. Dun sa hidden library." 


Napangiti naman siya. "May book akong ibibigay sakanya. For sure, magugustuhan niya." 


"Mom? Paano yung iba kong mga kapatid?" 


"Naku, hayaan mo na sila. Pupunta na yan ng mall para maghanap ng libro." 


Umalis na si Mommy. Naiwan nanaman kami ni Clara sa sala. Bigla naman bumaba si Dad. 


"Elmo? Where's your Mother? Your siblings? Nasaan sila?" 


"Yung mga kapatid ko po nasa mall. Bibilan ng regalo si Julie. Si Mommy po nasa hidden library namin. May hahanapin ata siya." 


Napatango nalang si Dad. 


"Ano bang ireregalo ko kay Julie?" 


Natawa naman ako. "Pati ba naman ikaw, Daddy?" 


Love at First SightWo Geschichten leben. Entdecke jetzt