Tumingin siya kay Elmo. 


"Elmo, pare, sorry din kung ganito ang ginawa ko matapos na tulungan mo kami makapag-usap ni Julie dati. Tulad ng sabi ko, hindi ko lang matanggap na ikaw na ang mahal niya ngayon. Ikaw na ang nagpapasaya sakanya. Pero kailangan ko din palang magpasalamat sayo kasi nandyan ka para pagalingin ang puso ni Julie na nasugatan ko dahil sa katangahan ko." 


Ngumiti si Elmo sakanya. Tumingin naman siya kay Papa. 


"Tito, patawarin niyo po sana ako kung nasaktan ko ang anak niyo." 


"Sige na, bumalik ka na sa bahay niyo. Graduation niyo ngayon at dapat nagsasaya ka." 


"Sorry po sa istorbo." 


Nginitian lang siya ni Papa. By that smile masasabi ko na napatawad na ni Papa si Kyle. Umalis na si Kyle. Bumalik na ang ibang bisita sa loob. 


"Papa?" 


Tumingin siya sakin. 


"Napatawad mo na din siya?" 


"Oo. Hindi ko na kailangan pang intindihin si Kyle dahil alam kong nandyan naman si Elmo." 


Tumingin siya kay Elmo. 


"Ikaw na ang bahala sa anak ko, okay?" 


Ngumiti naman si Elmo at nag-aprub sign. 


"Yes, Sir." 


Pumasok na si Papa sa loob. Naiwan kami ni Elmo sa labas. Tumingin ako sakanya. 


"Okay ka na? Hindi ka na ba naguguluhan? Napatunayan ko na ba sayo na ikaw lang?" 


Hindi ako nakakuha ng sagot mula sakanya pero nakakuha ako ng halik galing sakanya. 


"I love you, Yam." 


Napangiti ako. "I love you too." 


Nagdikit ang mga noo namin. Pumasok na kami sa loob. Mahamog na kasi sa labas. Kwentuhan, kainan at kung ano ano pa ang ginawa namin bago nagsialisan ang mga bisita. 


"Yam? Uuwi ka na ba?" 


Tumango naman siya. "Yes, Yam. Kailangan ko ng umuwi kasi alam mo na..sasabihan ko na sila Mommy about sa pamamanhikan." 


Lumapit samin si Papa at Mama. 


"So, bukas pupunta na dito ang pamilya mo Elmo?" 


Tumango naman siya. "Opo." 


Nasabi na pala namin kala Mama ang balak namin ni Elmo. Pumayag na din naman sila. Hindi naman na daw nakakagulat yun. 


"Ok sige. Magpapaluto kami ng masasarap na pagkain para bukas." Sabi ni Mama. 


"Salamat po Papa, Mama." 


"Mag-iingat ka sa pag-uwi mo ha?" 


Tumango naman siya sakin. Hinatid ko na siya sa may gate. Umalis na din si Elmo. Bumalik ako kala Mama at Papa. Nagkakape sila ngayon sa sala. 


"Julie? Sigurado ka na bang gusto no ng ikasal kaagad?" Tanong ni Mama.


Tumango naman ako. "Sure na po ako Mama at Papa." 


"Okay sige. Kami na ang bahala bukas. Matulog ka na at mukhang marami tayong paghahanda na gagawin." Sabi ni Papa. 


"Tama. Bukas, magpunta kayo ng mga kapatid mo sa salon. Magpa spa kayo. Dapat maganda ang tatlong prinsesa ko bukas." 


Natawa naman ako sa sinabi ni Mama. 


"Mama talaga." 


"Mabait ba ang magulang ni Elmo?" 


Ngumiti naman ako. "Oo naman po Papa. Mababait sila." 


"Mabuti kung ganun." 


"Sige po. Aakyat na po ako." 


Paakyat na kami ng tawagin ako ulit. 


"Yes po?" 


"Proud kami sayo." 


Ngumiti naman ako sa sinabi nila. Pumunta na ko sa kwarto ko. Humiga ako sa kama. Hinawakan ko yung envelope na bigay ni Elmo. 


"Lahat gagawin ko para sayo, Yam." 


Nakatulog na ko pagkatapos nun. Siguro dahil sa pagod. Nagising ako. Maaga na. Kinuha ko ang cellphone ko. May text si Elmo. 


Good morning fiancee ko. :) 


Pupunta kaming lahat dyan mamayang gabi. Mga 7pm. Sobra na ang paghahanda ang ginagawa ni Mommy. Excited na siya na makilala ang parents mo. Magdadala din pala kami ng food and desserts. I love you. See you later, Yam ko.


Napangiti naman ako sa nabasa ko. Ang sweet naman ng family ni Elmo. Tumayo na ko at itinali ang buhok ko. 


"Okay Julie. Let's do this." 


To be continued..

Love at First SightWhere stories live. Discover now