Chapter 46

52 2 2
                                    

Chapter 46

Gusto kong sapakin ang sarili ko nang paulit-ulit. I want to believe that everything had happened was just a dream.

Why did I do that? 

Required ba talaga na may at least one million times tayong questionable things na nagawa sa buhay? Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang hiya sa katawan ko!

"Tang ina, anong nangyari sa'yo?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Reverie nang makita akong halos bumulagta na dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Hilong-hilo pa rin ako nang makarating ako sa meet-up place namin ni Rev. Ang plano ko lang talaga today ay magpahinga at matulog sa bahay. Pero since medyo madalang na lang kami magkita these days... pumayag na ako.

"Huwag mo nang... tanungin."

"May hangover ka?"

Umiling ako. "I'm fine."

"Bangag ka ba? Ang layo ng sagot mo sa tanong ko..." Pilit niya akong pinaayos ng upo. "Anong ganap mo sa buhay at bigla kang nag-inom?"

"Ayokong pag-usapan iyan. Lalong sumasakit ang ulo ko."

It's because of that... date! Ugh! Mabuti na lang talaga at hindi na kami magkikita pa ulit! And I won't let myself near him again, kung sakali.

The amount of embarrassment that I had was no joke. Huwag lang talaga magkukrus ang landas namin at talagang... hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Bago iyan, ah? Niyaya ka ng mga pinsan mo?"

Tinignan ko siya nang masama. "I told you, I don't want to talk about it."

Natutop niya ang kaniyang bibig. "So... you're with a guy?! Sino?!"

I shook my head. "Wala. Just... shut up. Give my head a break."

"What should we do here kung hindi kita kakausapin?"

"We could have another topic to talk about?"

"While you're still rolling because of hangover?" She frowned. "Seriously... hindi mo talaga sasabihin sa akin?"

I glared at her. Ayoko na ngang alalahanin iyon, tapos... sasabihin ko pa sa kaniya? No, thanks. Saka na lang kapag medyo naka-move on na ako.

"Kung ayaw mong magkwento, fine! Ako na lang!" Inis niyang sabi na ikinatuwa ko naman. "'Di ba... kilala mo 'yung kaklase ko dati? 'Yung kinukwento ko sa'yo?"

"Sino sa mga iyon?"

Hinampas niya ako sa braso. "The one who backstabbed me!"

Napatango ako. "Ah, si Rica!"

"Yes! Siya nga!"

"Oh... ano namang nangyari sa kaniya?"

Umayos siya ng upo. Sa postura niyang iyan, alam kong chismis ang ibibigay niya sa akin at hindi lang basta balita. "Nabuntis!"

Kumunot ang noo ko at humigop ng milk tea na kanina pa namin in-order. Hindi ko lang talaga nainom ang sa'kin dahil sa sobrang kirot ng ulo ko.

"And?" Takang sabi ko sa kaniya. "Wala namang masama. Graduate na kayo."

"Ng prof namin—"

Naibuga ko ang hinigop kong milk tea. "What?!"

Of course, that's shocking for me! Even though it's none of our business... I can't help but get bothered. 

"Ang sabi pa sa akin, six months na raw 'yung tiyan niya. Eh 'di... nagkikita na sila noong fourth year pa lang kami? She's absolutely disgusting!"

Yeah. I have to agree with that. I don't know if it's just me, but... I really despise that kind of relationship. Generally... feeling ko wala naman sigurong masama roon—unless nakakaapekto iyon sa grades ng estudyante.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now