Chapter 37

40 2 0
                                    

Chapter 37

"May klase ka bukas?" Tanong ko kay Renzo nang makalabas kami from Tita’s room. Sinilip ko lang siya roon sandali dahil it's pretty late na rin.

"Mmm..." Sagot niya at isinara ang pinto.

"Do you want me to... come over?"

Well... okay naman na ang tungkol kay Cobb, hindi ba? Iyon lang naman ang problema namin in his university.

"May inaral akong recipe..." Nakangiting sabi ko. "I want you to try it. First time ko lang iyon lulutuin..."

"Ayaw mo bang ako na lang ang pumunta sa Shamxia?" He asked. "Bandang lunch kasi ang shift ko sa samgyupsalan, madadaan ako roon."

"Huh? I thought you have classes?"

"I need to work, too. Sayang ang kita..."

I bit my lip.

Sa bagay, his mother is not in a good condition...

"Do you need some... help?" Hindi ko na napigilang itanong iyon. "Like... financially. I will ask my Mom for some money so we could cover Tita’s bills—"

"No." I expected that answer from him so hindi na ako nagulat. "Leigh... trust me. I can do this, okay? Hihingi ako ng tulong kapag hindi ko na talaga kaya."

"Alright." Hindi rin naman ganoon kasimple ang manghingi ng tulong. I know him. He'll probably gonna say that he should be responsible for his own life. "By the way, major ang class mo tomorrow?"

Tumango siya. "Basic accounting. Mga... five hours siguro ang duration."

"Hindi ka makakahabol kahit last minute?"

"Hanggang midnight ang shift ko sa trabaho." Diretso siyang tumingin sa kaniyang dinaraanan, so as me. Ngayon ko lang tuloy nakita na nakalabas na kami ng ospital.

Nalungkot naman ako.

I wanna stay with him a little bit longer—kahit almost two hours kaming nag-uusap kanina.

"Huwag ka nang pumunta sa university namin bukas. Dadaan ako sa Shamxia by lunch..." Paalala niya. "Nandiyan na ba ang driver niyo?"

"Papunta na raw—" Napahinto ako nang saktong huminto ang aming kotse sa tapat namin. "Here..."

He kissed me on my forehead.

"Take care, okay?" He caressed my hair. "Ite-text na lang kita later."

"May phone ka na?"

"Meron, kakabili ko lang kanina."

"Really? Pinadala ko pa naman sa driver ang spare phone ko—para sana ipahiram sa'yo."

"It's okay. Just keep it."

"Bago na ang number mo?" Pilit kong pinapahaba ang usapan. Hindi ko rin alam. Sobrang na-miss ko lang talaga siguro siya.

"Yeah."

"Let me get it, then."

Natawa siya. "I said I will text you."

"Paano? Kabisado mo ang number ko?"

"098910372101 ang sa original phone mo, 09728340178 ang sa spare phone mo, at 092832919990 'yung sa tablet mo. May nakalimutan pa ba ako?"

Napangiti na lang ako. "How did you manage to memorize all of those?"

"Secret." Nginitian niya ako. "Go, it's pretty late."

Lumingon ako sa kotse nang bumusina na ito.

"Pumasok ka na." Sabi ko kay Renzo. Kahit naman gusto ko pa siyang makasama, hindi ko pwedeng paghintayin ang driver. "Ikamusta mo ako kay Tita kapag nagising siya, ah? Bye."

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now