Chapter 14

51 2 0
                                    

Chapter 14

The next day—after our exams, umidlip muna ako sandali. Napuyat ako kaka-review kagabi. Wala akong masiyadong itinulog.

Nag-inat ako. Quarter to three na nang maisipan kong bumangon. Naalala ko kasi na pupunta pala kami sa bahay nila Renzo ngayon. Baka ma-late pa ako.

I snatched my phone from my side table. Agad kong in-open ang messenger ko to see our group chat.

I see, they are all active.

Mabuti naman!

Jill: Saan na kayo?

Lee: Nasa university pa ako.

Jill: Anong ginagawa mo riyan?

Lee: Baka tumatae.

Felix: Tinamad umuwi si Lee @everyone. Dinamay pa ako.

Lee: Wow, nanisi. Gusto mo rin naman!

Nicole: Guys, OTW na ako.

Jill: Ako rin. @Renzo, nandiyan ka ba sa inyo?

Felix: Nandiyan iyan.

Lee: Saan ba ang bahay nila Renzo?

Nicole: Malapit daw doon sa cake shop ang kanila. Magtanong na lang kayo.

Jill: Pres, sa'n ka na?

Leigh: Sorry, just woke up.

Jill: Wala pa namang three. Okay lang iyan.

Nicole: Nakabihis ka na, Pres? Dadaan ako riyan sa inyo. Sabay na kita.

Leigh: Sige, thank you.

Jill: Same village kayo ni Pres, @Nicole?

Nicole: Yup. Nasa dulo lang ang sa amin.

Jill: Wow, eh 'di... close pala kayo?

Hindi ko na tinignan pa ang sumunod nilang chats at pinatay ang phone ko. Paniguradong dadating na si Nicole maya-maya. Ayoko pa naman ng minamadali ako!

Kumuha ako ng plain pink t-shirt at denim shorts na abot hanggang tuhod. Masiyadong mainit kaya ayokong mag-pants, baka mairita lang ako.

Lumabas na rin ako ng kwarto habang bitbit ang isa sa mga baguette bag ko. Wala naman na akong ibang dadalhin since hindi pa ito ang official na paggawa namin ng buong research.

Sinalubong ako ni Mommy sa aming sala.

"May lakad ka?"

Tumango ako. "Sa bahay lang po ng classmate ko. Research..."

"Bakit hindi mo na lang sila niyaya rito?" Tumaas ang kilay niya. "Magtatagal ka ba?"

"5PM's the longest... I think."

"Saan iyon?"

I blinked. "Malapit lang po."

"Magpahatid ka na lang sa driver natin. Are you sure hindi ka gagabihin?"

I nodded.

"Okay, go."

"Sasabay na lang po ako sa kaklase ko."

Naningkit ang mga mata niya. "Kaklase?"

"Yeah. She lives here in our village. Ang sabi niya ay—" Napahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ng sunud-sunod na busina.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt