Chapter 19

52 2 0
                                    

Chapter 19

"Wooh! Sa wakas! Submitted na rin!"

Everyone's celebrating right now. Lahat kasi ng group ay nakapagpasa na ng chapter one namin sa research.

"Lungkot mo yata, Pres?" Puna sa akin ni Jill. "Okay ka lang ba?"

I nodded. "Yeah, I'm fine."

Obviously... I'm not.

I'm so occupied. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Mommy kahapon. No matter how hard I try to forget that... hindi ko talaga kaya.

She's right.

I'm stupid. Kung hindi ako tanga, ano pang pwedeng itawag sa akin?

Bobo?

"Pres..."

Nag-angat ako ng tingin.

That's Maxine, isa sa mga kaklase ko.

Umangat ang kilay ko. "Yes?"

"Pinapatawag ka ni Ma'am Zenny. Pumunta ka raw sa faculty..."

"Ngayon na?"

She nodded.

"Okay, thank you..."

Baka may announcement or something. Ang alam ko kasi ay wala na kaming natitirang klase ngayon.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom. Nasa first floor pa naman iyon, siguradong magtatagal ako kung tutulala pa ako rito.

"Sa'n ka pupunta?" Habol ni Ellaine sa akin. Inakbayan niya ako.

"Faculty lang."

"Sama ako..." She gladly said. "Si Ryanah kasi, hindi man lang nagsabi. Um-absent ang gaga."

That's why I haven't seen her since earlier. I thought nag-cutting lang siya gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Bakit daw?"

"Ewan ko roon. Baka tinamad."

Nagkibit-balikat lang ako. "Tara..."

Nakarating kami sa faculty after ten minutes. I'm kinda glad na sumama sa akin si Ellaine. Kung ako lang ang mag-isang pumunta rito, I'll probably space out again. Nakakahiya naman kay Ma'am Zenny.

"Good afternoon, Ma'am." Sabi ko agad after entering the faculty. She's on her table, as usual.

Honestly... I'm still embarrassed. Sinira ko ang image niya sa university at mayroon pa siyang boyfriend na naapektuhan. Nilalakasan ko na lang talaga ang loob ko sa t'wing humaharap ako sa kaniya.

"Good afternoon, Leigh." Kaswal niyang aniya. "Are you done with your activities?"

Tumango ako. "Yes, Ma'am..."

"Good. Please do announce to your classmates na wala na kayong klase hanggang uwian. And also..."

Naglapag siya ng isang papel sa table at iniharap iyon sa akin.

"List all your classmates na kukuha ng basketball jersey. Get their exact measurements until 3PM. Is that clear?"

"Yes, Ma'am."

"Okay. That's all..." She smiled at me. "Ibalik mo na lang ang papel sa faculty. On time, ha? Kukunin iyan ng mananahi ng jersey..."

"Noted po."

"Thank you."

I went out of the faculty while holding the piece of paper that Ma'am Zenny gave me. Niyaya ko na si Ellaine paakyat.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now