Chapter 6

98 3 0
                                    

Chapter 6

Kinabukasan, hindi pumasok ang dalawa kong kaibigan. Nag-chat naman sila sa akin beforehand—tinatamad raw kasi sila. Ang katwiran pa nga nila ay mas better iyon kaysa sa pagka-cutting.

May point naman, pero... baka makaapekto na talaga ang ginagawa nila sa kanilang grades. Sana lang ay hindi na sila magulat kung mababa iyon, o worst—bagsak pa.

Napailing ako.

Mamaya ko na nga lang sila iintindihin.

"Everyone!" Pagtawag ko sa mga kaklase ko. Nasa harapan ako ngayon, trying to calm my classmates' noises first.

Ma'am Jolly—our teacher in Contemporary Arts, sent me an important announcement. Actually, may mga group chats naman kami to do that. However, mas gusto ng mga teachers na sa personal iyon i-a-announce. Para nga naman aware ang lahat.

Tumahimik ang lahat nang marinig ako.

Mabuti naman.

"Ma'am Jolly has an announcement, listen carefully!" Binuksan ko ulit ang chat ng aming teacher. Binasa ko iyon nang malakas. "We will have our art session today. Please prepare art materials. I will be fifteen minutes late so you can buy and borrow everything you need."

Agad silang nagreklamo.

"Ano ba iyan? Mayroon na namang art?"

"Hindi ba kakagawa pa lang natin noong isang araw?"

"Oo! Napudpod nga ang pangkulay ko roon, eh!"

Napailing na lang ako.

Gaya nila, hindi rin ako fond sa mga arts. Wala akong skills sa field na iyon. I just like to appreciate its nature. Grabe kaya ang hardwork ng mga artists!

"Dapat talaga um-absent na lang ako, eh!"

"Nakakatamad!"

"Guys!" I called them again. "Mamaya na ang reklamo. Instead, use this time to prepare the art materials. Baka magalit pa sa atin si Ma'am Jolly pagdating niya..."

Bumalik na rin ako sa upuan ko matapos sabihin iyon. Hindi na ako nag-abalang kumilos. Mayroon naman na kasi akong mga gamit pang-arts. I don't need to buy or borrow anything, I am always prepared.

"Pres..." Jillian approached me later on. Hinila niya ang bakanteng upuan sa harap ko at umupo roon.

"Anong meron, Jillian?"

She sighed. "Mayroon kang extra coloring materials?"

I shook my head. "Wala ka?"

She nodded. "Wala akong kilalang mahihiraman at wala akong dalang pera pambili. Paano kaya iyon?"

Our art teacher requires each of us to buy our own art materials. Bawal ang makiki-share, kailangan talaga tig-iisa. Kapag wala kang nahiraman sa ibang strands or grade levels, you couldn't attend classes. Zero ka automatically.

I licked my lips. Maya-maya'y kinuha ko ang wallet ko sa aking bulsa. Kumuha ako ng 500 pesos doon at inabot sa kaniya. "Here, you can use this. Bumili ka lang agad dahil baka dumating na agad si Ma'am mamaya—"

"Hindi na, Pres..." Pagtanggi niya. "Nakakahiya. Manghihiram lang sana ako sa'yo, eh..."

Napakamot ako ng ulo at pilit 'yong ibinigay sa kaniya.

Baka maka-zero siya, ayaw ko naman ng ganoon!

"No, just take this." Binuksan ko ang palad niya at nilagay doon ang pera. "You can pay me back whenever you want—or kahit hindi na..."

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن