Chapter 36

40 2 0
                                    

Chapter 36

After attending all of my classes, I decided to text Reverie and meet up with her. I badly want to memorize every corner of our campus dahil maya't-maya ay naghahanap ako kung saan ito, saan iyon, and so on. Wala naman kasi akong ibang masasamahan dahil I wasn't able to make friends with anybody in my class.

"Ano? Pumayag ka?!" Halos maibuga niya ang iniinom niyang tubig nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari between Luisa and I. 

Inosente akong tumango matapos kong silipin ang aking phone. Kanina pa ako nag-aabang doon pero wala pa rin talagang signs ni Renzo.

"Bobo ka ba?!" 

Napangiwi ako while turning off my phone. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa way ng pagsasalita niya. So blunt! "I have no choice. Napahiya ko siya."

"Are you serious?! She did that on purpose! Ginawa niya iyon so that you could do her a favor!"

"Wala naman sigurong masama..." Napakamot ako ng ulo. "Magkakilala naman daw sila ni Kuya Vance, eh. At saka ang sabi niya, she just want to talk to him."

"Talk? Eh 'ni hindi nga sila magkakilala, eh!"

"Hindi?" I blinked. "Pero she said--"

"I told you, hindi ka dapat nagtitiwala sa kaniya! She's a user!"

Wala na rin naman akong magagawa. Naka-oo na ako. "Ngayon lang naman."

Huminto kami sa tapat ng waiting loungue at naupo sa hagdan nito. Ngayon lang kami natapos sa halos isang oras na paglilibot sa buong campus kaya sobrang napagod kami. 

"Ang laki talaga ng pinagbago ng babaeng iyon. Imagine, she's just meeting up with her friends kapag may kailangan siya! Tapos ngayon... nakahanap na naman siya ng biktima? Hindi kaya siya nahihiya sa ginagawa niya?"

I bit my lip. I suddenly remembered my old friends...

I wonder how are they right now. Nagbago na kaya sila?

"Dati, hindi naman siya ganoon. She's so kind, friendly, and sweet! Nagbago lang talaga ang lahat simula nung aksidente na iyon..."

Kumunot ang noo ko at napatingin kay Reverie.  

"Aksidente?"

She nodded. "Last year... may nakabangga sa kaniya sa daan. Lalaki raw, hindi niya kilala. Tinakbuhan nga siya ng gagong iyon kahit nabali ang kanang braso niya."

Natutop ko ang bibig ko. "Oh my god..."

"Akala nga namin hindi na siya makaka-recover. Masiyadong malala ang tama niya. Even the doctor told us to rest her injury for a year!"

Ako naman ang napatango. "Ah... that's why irregular student siya ngayon?"

"Yeah. Naka-take naman siya ng ilang subjects nung first sem pero hindi niya nakumpleto. Umulit tuloy ang gaga..."

That explains... "Pero... okay na siya ngayon?"

Napairap siya. "Duh! What do you think?"

"I mean... she could have develop some sort of trauma, or... may iniinda pa siyang sakit at hindi niya lang sinasabi sa inyo."

Possible naman, hindi ba? Kahit nga ten years na ang nakalipas, mahirap pa rin alisin ang after effects. It takes a lot of time for other people.

Inilingan niya ako. "She's not hiding anything from us. Hindi iyon sanay na may sikreto siya."

"Oh, I see." Nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko nang masiyadong usisain ang bagay na iyon. It's kinda personal.

"Basta... last na iyan, ah?" Tumango ako. "Don't let her ask you too much favors—kahit ano pang kapalit! Masiyado nang nato-tolerate ang ugali niya!"

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin