Chapter 15

60 2 2
                                    

Chapter 15

"She's still not responding..." Nag-aalala akong tumitig sa phone ko.

Dalawang oras na yata ang nakakalipas pero wala pa rin akong nare-receive na text mula kay Mommy or kahit sa driver namin.

Ayokong magpagabi rito!

I bit my lip. Dapat pala sumabay na ako kay Nicole kanina.

"Can you... commute?"

Napatingin ako kay Renzo. Umiling ako. "I have never done that..."

Sanay ako na laging may sumusundo at naghahatid sa akin everytime na lalabas ako ng bahay, so...

I sighed.

"I will try... calling my cousins." Nasabi ko na lang, unsurely. I'm afraid kasi na baka may klase pa sila right now. I don't wanna disturb them.

Or maybe... I will try sila Ryanah at Ellaine? Kaysa naman hindi ako makauwi!

"Huwag na."

Kumunot ang noo ko. "Hindi nga ako sanay mag-commute..."

I know I can ask for help since malapit lang ang bahay namin dito, pero... it's just risky for a first timer like me. Baka mamaya, mapahamak pa ako. Mahirap na.

Ang dami ko pa namang nababalitaan na naho-holdap, naki-kidnap, at kung anu-ano pa in public transportations.

Nakakapraning!

Kumurap siya. "Sasamahan kita..."

"Hindi na..." Mag-aaksaya pa siya ng oras para lang sa akin. "That's hassle for you."

"It's okay..."

"Don't worry." I smiled. "Baka may mapagtanungan pa ako."

Acutally, wala na akong balak magtanong pa ng iba. Sinabi ko lang iyon so that he can stay put. Balak ko na lang talaga hintayin si Mommy o ang driver namin.

Bakit ba kasi hindi sila sumasagot? Hindi naman sila ganito dati. Kahit hindi pa nga ako nagpapasundo minsan ay dumarating na sila nang kusa!

"Don't bother." Mahinahong aniya. "You've been waiting for hours. Sasamahan na kita."

"Hindi na talaga, Renzo. Nakakahiya..."

Umiling siya. "Okay lang sa akin."

Napabuntonghininga ako.

Ilang beses pa akong tumanggi bago niya ako napapayag sa gusto niyang mangyari. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil malapit na ring dumilim sa labas.

I'm hesitating... though.

"Wala bang tricycle dito? Jeep lang talaga?"

Mula kaninang palabas ng eskinita hanggang dito sa tapat ng cake shop ay hindi ako matigil sa pagtatanong sa kaniya. Wala talaga akong ideya sa pamamasahe. Baka... magmukha akong tanga roon!

He nodded. "Walang tricycle na dumadaan dito..."

"Eh... anong gagawin ko kapag nakapasok na ako sa loob ng jeep?" Inosenteng tanong ko. "Magbabayad na ba agad ako? Paano ko malalaman kung magkano? Do I still have to ask the driver? Or... I have to figure that out myself?"

Umawang ang labi niya, na-overwhelm yata sa dami ng tinanong ko.

Hindi ko mapigilan, eh. Baka... may mali akong magawa sa loob ng jeep. Ayokong magkaroon ng nakakahiyang moments doon!

I pressed my lips. "This is my first time. Kinakabahan ako..."

"Bakit ka naman kakabahan?"

"Baka magkamali ako ng sasabihin or gagawin..." Mahina kong sagot. "That's embarrassing..."

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now