Chapter 17

46 2 2
                                    

Chapter 17

The following days, hindi pumasok si Renzo. He did not provide any excuse letter kaya wala kaming kaalam-alam kung anong nangyari sa kaniya.

Si Ma'am Zenny, on the other hand, ay pumasok naman na a day after the issue spread. Mariin niyang tinanggi ang nasa post at sinabing magkapitbahay lang talaga sila ni Renzo.

Of course, my classmates believed her, pero some of them still don't...

Ewan ko rin kung bakit.

"Leigh!" Kakalabas lang ng huli naming teacher nang puntahan ako ni Ellaine sa seat ko.

Inilagay ko muna ang mga gamit ko sa bag bago siya hinarap. "Why?"

"Ano sched natin today?"

I shook my head. "Vacant..."

"Punta tayo sa mall?"

"All of a sudden?"

Ngumuso siya. "A-Attend ako ng debut sa sabado. Wala pa akong isusuot!"

"Kaninong debut?"

"Sa dati kong kaibigan. In-invite ako, eh..."

"Oh, sige..." Mamaya pa naman ang klase namin, bago mag-uwian. "Si Ryanah?"

"Babalik na iyon. Nag-CR lang."

"I'm here, girlies!" Biglang sulpot nga ni Ryanah sa harap ng aming classroom.

Ang lakas naman ng pandinig niya?

"Tara na!"

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad na umalis. Sumakay kami sa kotse ni Ryanah papuntang mall.

Pagdating namin doon, dumiretso kami sa food court. Nagugutom na raw kasi sila kaya iyon muna ang inuna namin.

"Mag-takoyaki na lang tayo?" I asked them. Ang pwesto kasi ng takoyaki ang una kong nakita after arriving in the food court. Kaysa naman lumayo pa kami, hindi ba?

"Sure!"

I smiled. "Okay. Pipila na ako. 'Yung regular lang, 'no?"

"Yeah. Wait ka namin sa table."

"Saan?"

Tinuro ni Ryanah ang table na malapit sa mini arcade. "There. Bilisan mo, ah?"

I nodded.

"Bye!" They waved at me. Kumaway na lang din ako bilang response.

Agad akong nagtungo sa pila nang makita ko silang nakaupo. Napakurap ako habang nakatingin sa menu. Ngayon ko lang kasi na-realize na hindi sila nagbigay ng pambayad.

I wasn't informed that it is my treat...

Pero okay lang naman, 'no. I mean-it's not that expensive. As if naman million ang presyo ng takoyaki rito.

"Thank you..." I said after receiving our order. Konti lang ang bumibili kaya mabilis lang akong naka-order.

Lumingon ako sa likuran ko habang bitbit ang takoyaki. Kakaway na sana ako sa dalawa para kunin ang atensyon nila, ngunit wala na sila roon sa table.

Huh? Lumipat ba?

I looked around. I can't find them. Saan ba sila nagpunta?

"Baka nag-CR..."

Dumiretso na lang ako sa table at nilapag ang takoyaki. Kinuha ko ang phone ko at nag-chat sa aming GC.

Leigh: Where are you, guys?

After waiting for a minute, I turned off my phone. Hindi pa sila nagre-reply or nagsi-seen man lang.

Hindi naman siguro sila bumalik ng classroom, ano?

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now