Chapter 9

74 2 2
                                    

Chapter 9

Ma'am Zenny arrived right after that scene. Pinapunta niya si Gian at Ivan sa guidance office at pinagalitan kami. Wala na naman tuloy imik ang lahat.

Napabuntonghininga ako. I'm not actually listening to her. Sobrang napaisip lang talaga ako.

Am I acting too much?

Naba-bother lang ako. What if... labas na talaga ito sa responsibility ko as a president? What if... tama si Gian?

Baka masiyado na akong nangingialam sa kanila.

"Malaki na kayo, class! Act your age, please!" Dismayadong ani Ma'am. "At ikaw Renzo? Nakikisali ka rin? Wala ba kayong mga isip?"

Speaking of...

Ito pa ang isa kong ikinababahala.

Bago dumating si Ma'am Zenny ay nasuntok ni Gian si Renzo. Halatang-halata iyon dahil nagpasa ang kaliwang parte ng kaniyang mukha.

Bakit ba kasi pumagitna pa siya sa amin? Ayan, nadamay tuloy siya!

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na napigilang magsalita. "Ma'am, wala pong kinalaman dito si Renzo. Umawat lang siya..."

I'm just... concerned. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nasaktan. Maybe I shouldn't have triggered Gian's emotion.

Napahilamos siya ng mukha.

"Ewan ko sa inyong mga bata kayo!" Ramdam kong naiinis na siya at na-f-frustrate sa mga nangyayari. "Wala ba kayong klase?"

"Wala po." We chorused.

Uwian na. Paano magkakaroon?

Napatingin si Ma'am sa kaniyang wrist watch. Bahagyang nanlaki ang mata niya upon realizing what time it is.

"May meeting nga pala ako today..." Sabi niya at nagmamadaling kinuha ang mga gamit niya sa table. "You can go now. And please! Sana wala nang magsuntukan this time. Naiintindihan ba?"

"Opo!"

"Okay! Goodbye, class!"

Tumayo kaming lahat.

"Goodbye, Ma'am! See you tomorrow!"

Ma'am Zenny hurriedly left our class. Nagsimula naman kaming magsukbitan ng bag at magsialisan.

Siyempre, it's Friday. Lahat kami ay sabik sa weekends—na puno rin naman ng assignments, eventually.

"Hay..." Dinig kong sabi ni Rachel, kausap niya ang kaniyang mga kaibigan. "Napagalitan na naman tuloy tayo..."

"Paanong hindi? Ang gago nung Gian na iyon!"

"Parang sira ulo ampota!" Asik ng kausap niya.

"Akala ko nga kanina teacher's day, eh! Bigla na lang silang gumagano'n!"

Hindi ko na sila pinakinggan. Sumulyap ako kay Renzo. Hindi ko mapigilang gawin iyon dahil kanina pa ako binabagabag ng konsensiya ko.

He was punched because of me...

"Tara na nga, uwi na tayo!"

"Daan tayong SB!"

Napapasinghap akong lumapit kay Renzo. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiilang habang ginagawa iyon.

Probably because... we're not close enough?

I cleared my throat. "Ehem."

He's fixing his things kaya napahinto siya. Nilingon niya ako.

"Leigh..." He blinked. "Bakit?"

I laughed awkwardly. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong itanong. "Uhm... ayos ka lang ba?"

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now