Chapter 18

54 2 0
                                    

Chapter 18

We were five minutes late nang pumasok kami sa Practical Research. Hindi naman nagalit si Ma'am Tina dahil wala siyang discussion or activity for today. She just asked us to collaborate with our group mates.

"Sa Friday na agad?" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kanila.

According to them, ang submission ng chapter one ng aming research ay this week, Friday. Two days lang iyon, including today!

Parang... ang bilis naman. Wala pa kaming nasisimulan!

Tumango si Nicole. "Marami naman daw tayo sa group kaya paghahati-hatian na lang natin ang bawat parts."

"Saka... chapter one pa lang naman, Pres. Puro background pa lang ang gagawin natin doon, hindi ba?"

"Yeah, but..." I sighed. Siguro nga ay nag-o-overreact lang ako. "Nevermind."

"Paano natin gagawin iyon?" Ngumiwi si Lee. "May klase tayo bukas nang full day."

"Oo nga. Alanganin ang time..."

Malapit na ang end of the first half of first semester. Pagkatapos niyon... intramurals na muna. Kaya siguro minamadali kami ngayon.

I bit my lip. "Tomorrow, after classes. Pumunta na lang kayo sa bahay namin para maayos natin. Kaya ba?"

"No prob, Pres..." Si Jill.

"Ganoon din sa amin."

"Okay, then." Tipid akong ngumiti. "Simulan na nating mag-distribute ng parts today. If you can do it later at your homes, much better. Para i-f-finalize na lang natin ang mga iyon bukas..."

Nagtaas ng kamay si Nicole.

"Yes?"

"Paano si Renzo, Pres?"

Natigilan ako.

Oo nga pala. He's part of our group, too...

"I mean... baka hindi na naman siya pumasok bukas. Ang dalang pa naman niyang mag-seen sa GC..."

Bumuntonghininga ako. It's actually not a big problem. Marami namang paraan para ma-contact namin siya. Iyon nga lang... nakakailang ang naging sitwasyon naming dalawa. It's making me anxious.

I can't imagine what will happen kapag nagkita ulit kami together with our group mates. Paano kung sabihin niya sa kanila na ako ang nag-post ng picture na iyon? Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase ko? Na I'm too evil? Too insecure?

It sounds... horrifying.

"Let's just try... contacting him again." Nasabi ko na lang. "Malay niyo, mag-respond na siya this time, right?"

Napatango si Nicole. "Puntahan na lang natin sa bahay nila kapag hindi sumagot..."

"Sus!" Si Jill. "Masiyadong concerned si Nicole kay Renzo, oh! Crush mo siguro, 'no?"

"Yiee!"

"Aamin na iyan!"

"Ano ba, guys!" Mahinang ani Nicole. "Hindi ko crush si Renzo!"

"Hindi raw..." Panunukso ni Felix. "Eh halos minu-minuto ka ngang nakatingin sa kaniya noong nagpunta tayo sa kanila!"

Jill chuckled. "Denial pa, eh. Aminin mo na, Nicole!"

Ngumiti na lang ako at nakitukso sa kanila. Halata namang may crush si Nicole kay Renzo.  Napansin ko na rin iyon noon pa man.

"Hindi nga!"

Namumula ang pisngi ni Nicole nang magpatuloy pa rin kami sa pang-aasar. She's liking it and it's irritating me, somehow.

Kumunot ang noo ko, nagtaka sa sariling naisip.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now