Chapter 25

75 3 2
                                    

Chapter 25

Hindi naalis sa isip ko ang sinabi ni Ate Rosa hanggang sa pumasok ako ng school kinabukasan. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo akong nawala sa sarili ko.

Do I really like Renzo?

If I'm gonna assess myself, hindi ko rin masasabi kung gusto ko ba siya o hindi. I mean... hindi ko alam! My mind's telling me that he's a friend, pero... the people around me keeps on telling me that he's more than that.

Ang weird naman kung... tatanungin ko siya directly. Baka sabihin niya ay assuming ako!

Hawak ko na ang door knob ng aming classroom nang mapahinto ako. I heard a beep from my phone. Mukhang may nag-text.

Nalukot ang mukha ko nang makitang galing kay Oliver iyon.

From: Oliver

Nasa classroom ka na? I'll go there.

I gritted my teeth while typing a reply.

To: Oliver

Pumasok ka na pala? Sana inalagaan mo na lang ang tatay mo.

I decided not to tell him that... I know the truth. Let's see if he's gonna admit it himself before the scheduled dinner. Ako mismo ang magsasabi sa parents niya by then.

From: Oliver

Pinapasok niya ako, eh. Anyway... are you there? I wanna see you.

See you my ass.

I rolled my eyes. Hindi na ako nag-reply at binalik ang phone sa bulsa ko. Pumasok na rin ako sa loob at nagpunta sa seat ko.

"Pres, papel mo!" Hinihingal na ani Jill nang makaupo ako. May inabot siya sa aking papel na kinuha ko kaagad.

"Saan 'to?"

"Sa quiz natin. Highest ka!"

I looked at the paper. Napangiti ako nang makitang perfect ang score ko sa aming quiz.

"Nice..."

May magandang news pa rin pala akong matatanggap ngayong araw. Akala ko... puro sama ng loob lang, eh.

"Pakiabot na rin 'to kay Renzo, Pres..." Inabutan pa ako ni Jill ng isang papel. "Tutal mukhang... jowa ka na yata."

Kumunot ang noo ko. "Jowa? Ako? Nino? Ni Renzo?"

She laughed. "Obvious kayo masiyado!"

"Hindi, 'no!"

"Sus! Eh bakit pinagtanggol ka niya kay Sir Oscar kahapon?"

I shook my head. "Wala talaga kaming relasyon."

Dinig ko pang may sinasabi si Jill pero hindi na ako nag-abalang makinig. Bahagya kong sinulyapan ang papel ni Renzo. Tumaas ang kilay ko nang makita ang kaniyang score.

24 over 50?

Huh? Since when did he start getting low scores?

"Pero... hindi talaga kayo?"

I sighed. "Hindi nga, Jill. I swear, wala kaming relasyon ni Renzo."

"Hmm... mukhang wala nga." Kinalabit ako ni Jill kaya napaangat ako ng tingin. "Look."

Dumako ang mata ko sa pinto ng aming classroom. Renzo is walking with Nicole. Nakakapit ang mga kamay niya sa braso ni Renzo.

I closed my fists.

What are they doing?

"Renzo, sige na! Turuan mo na ako!" Nakasunod pa rin si Nicole kay Renzo hanggang sa makabalik ito sa kaniyang seat.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu