Chapter 2

124 3 0
                                    

Chapter 2

It was 5PM nang makauwi ako sa bahay. Walang gaanong activities kaya wala ring rason para ma-late ako ng uwi. Puro introduce yourself lang naman ang ganap kanina.

"You're home?" Mommy welcomed me. She's sitting on our sofa while phoning.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Yes, 'My..."

"How's school?"

I sat beside her. "Okay lang, 'My. Walang ginawa. We just had election..."

"Sa klase?" Tumango ako. "What happened?"

"I got elected as class president..." I smiled.

I always wanted to be a student leader even before. Mabuti na lang talaga at may tiwala sa akin maging ang mga bago kong kaklase. They won't elect me if they don't, right?

"Nice to hear that." Tipid na komento ni Mommy. "Magbihis ka na muna. Your cousins are in your room..."

Nanlaki ang mga mata ko.

My cousins? Wala ba silang pasok? Ang aga pa, ah!

"Okay po..."

Nagmamadali akong pumunta sa walk-in closet ko at nagtungo sa CR. Nag-half bath lang ako saglit at nagbihis. Hindi ko rin alam kung bakit na-excite ako sa ideyang nandito ang mga pinsan ko.

Masiyado silang busy these days dahil mas nauna ang classes ng college department. I haven't seen them for a while!

Hindi na ako kumatok sa pinto ng kwarto ko at pumasok na lang doon. I am amazed. They're really here!

"Mga pinsan!"

Napalingon silang lahat sa akin.

"Leigh!"

Pumasok ako sa loob at marahang sinara ang pinto. I really missed them! Ito ang unang beses na hindi ko sila kasama sa campus.

Don't get me wrong, ha. They're still studying in Shamxia. However... nasa college department na silang lahat. Magkahiwalay iyon, 'no!

"Anong ginagawa niyo rito?" Umupo ako sa tabi ni Ate Tori.

May kaniya-kaniya silang yellow paper na binabasa-probably, mga notes. Napansin ko rin na may nakasinding tatlong kandila sa kanilang mga tapat.

Para saan naman iyon?

"Nagre-review..." Sagot ni Kuya Scott habang nakatingin pa rin sa hawak niyang yellow paper.

Nagkamot ako ng ulo at sinenyas ang mga kandila. "Eh para saan ang mga iyan?"

Lumingon sa akin si Kuya Vance. "Prelims na namin this week, Leigh. Hindi kayang daanin sa review lang ang exam..."

"Wala ngang pumapasok sa utak ko, eh." Reklamo ni Kuya Rhys. "Ano nga ulit ang ritwal?"

"Fei shang, gao shing, chi, shishyang, Chonghu, Guaja, Jushi, Xijingpin, Chunguju, Frelupin, Tashir, Wangshilian, Ho, Twenty, Chonghu, Gongmin, Chiri, Trali, Chingju, Chonghua, Renmin, Gonghu, Shangri, Chi Shirsan, Jonyen, Ju Twenty, Jonghu, Ren, Goching Kwai La..." Mahabang sabi ni Ate Tori kaya't nagulat kaming lahat.

Where did she get that?

"Tang ina, kinabisado mo talaga?"

She nodded. "Baka makatulong. Hilong-hilo na ako kaka-review."

"Sabi ng kaklase ko, makakatulong daw ang classical music sa pagre-review. Try mo..."

Ate Tori glared at Kuya Scott. "Na-try ko na 'yan! Lalo lang akong na-distract, ugh!"

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें