Chapter 10

86 2 4
                                    

Chapter 10

"Anong nangyari sa'yo?" Salubong sa akin ni Ate Rosa pagkalabas ko ng kwarto ko.

Pagod akong tumingin sa kaniya. "Wala po ito..."

Wala akong itinulog kagabi dahil sa sobrang pag-iyak ko. I still can't get over it.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa acads ko recently. I'm doing my best constantly! How come that I am still the second best?

Hindi pa ito nalalaman ng parents ko at hindi ko rin alam kung may balak pa ba akong sabihin sa kanila. Natatakot akong madagdagan ang disappointment na nararamdaman ko sa sarili ko. Natatakot akong maging... kahihiyan para sa kanila.

I'm so dumb.

Dumiretso ako sa terrace. Umupo ako sa isang upuan at tumulala sa labas. It's 11AM already pero hindi pa rin ako nag-b-breakfast. Wala akong ganang kumilos.

Parang gusto ko na lang tumulala maghapon.

"Magtitimpla ako ng gatas mo..." Pagsulpot ni Ate Rosa sa tabi ko. "Kahit iyon na lang ang gawin mong umagahan."

I sighed deeply.

"Wala po akong gana..."

Umiling siya. "Ano bang problema? Sa eskwela na naman ba?"

I nodded. Alam kong sa kaniya ko lang mailalabas 'to. "Ang baba po ng grades ko..."

"Palakol ba?"

"Hindi po..."

"Tsk. Hindi naman pala, eh."

"Still..." Nagbuntonghininga ako.

Paano naman magiging motivation 'to for our upcoming exam? Eh dinagdagan lang nito ang stress ko!

"Galingan mo na lang ulit sa susunod..." She smiled at me. "Bumawi ka. Kakasimula pa lang ng klase, hindi ba?"

"‘Yun nga po ang problema..." Nanlulumo kong sabi. "Ito na ang best ko. Ito na lang ang kaya ko. Paano pa ako babawi?"

I can't feel that this is enough. Kulang talaga, eh. Kulang na kulang. Kaya lang... parang hanggang dito na lang ang kaya kong gawin. Kahit sabihin kong I will do better, that would be nonsense. This is my best already—and it's very frustrating.

"Ipagpatuloy mo na lang iyan, Leigh. At least alam mong ginawa mo ang best mo at hindi ka nagpabaya sa pag-aaral. Iyon lang naman ang pinaka-importante..."

"Bakit dati kaya ko namang maging top one?" Malungkot kong tanong. "Bumobo lang ba ako o sadyang matalino lang si Renzo?"

"Renzo?" Kunot-noong aniya. "Iyon ba ang top one niyo?"

Tumango ako. "Nakakahiya nga po, eh. I mean... working student pa po siya habang ako ay full-time student lang."

Ano na lang ang sasabihin nila Mommy? Pag-aaral ko na lang ang iniintindi ko tapos... semplang pa?

"Anong full-time student lang? Mahirap din namang maging estudyante."

"Oo nga po. Kaya lang... mas hassle po ang magtrabaho at mag-aral, 'di ba? At this point... dapat mas lamang ako sa kaniya dahil puro pag-aaral ko lang ang inaatupag ko."

Napangiwi siya. "Masipag lang siguro siyang mag-aral kaya ganoon..."

Well...

Siguro nga.

"Oh." Pagbibigay-pansin ni Ate Rosa sa phone ko na kanina ko pa hawak-hawak. "May tumatawag."

Napatingin ako roon. Ellaine's calling.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora