Chapter 34

66 3 0
                                    

Chapter 34

Days were so fast to move these days. Even I, myself can't keep up with it.

Can you believe it? First day of classes na naman. Pero this time... college na ako. 

I am now finally a first-year BS Accountancy student na maraming doubts at negative thoughts sa kaniyang course but still chose to pursue it kasi iyon ang gusto niya.

Ewan, feeling ko ang complicated masiyado!

As for our classes, wala namang masiyadong special. Mayroon lang kaming two subjects today at introductory pa lang ang aming ginawa. Wala pa ring mga activities, I bet tomorrow ay mayroon na.

"Hi, Leigh!" A girl from our class sat beside me. Nandito pa rin kasi ako sa room kung saan nag-discuss ang aming last professor. 

"Oh, hi..." I shyly smiled. Kami na lang yata ang tao sa room since kanina pa kami na-dismiss. 

"I'm Luisa... same tayo ng course." Nilahad niya ang kamay niya at agad ko namang tinanggap.

"Leigh." 

I'm not expecting anyone will approach me today. Wala talaga iyon sa isip ko since I was pretty occupied the whole day. In fact, pinilit ko na lang talaga na makinig sa mga discussions kanina.

Well... I have some sort of problem kasi.

"Yeah, I know. You're pretty popular."

I blinked. "I am?"

Humarap siya sa akin. "Hindi mo ba naririnig ang mga boys during our lecture time? They are talking about you!"

"Me? Bakit?"

Natawa siya. "Anong bakit? Ang ganda mo kaya! At saka... Altarieno ka, hindi ba?"

I nodded. 

"So... you're related to those other Altarienos na nag-aaral dito?"

"Ah, yeah. They are my cousins..." As far as I know, kami lang naman ng mga pinsan ko ang Altarieno rito. "Why?"

She shook her head. "Wala naman... I just--"

"Luisa!" May isang babaeng pumasok sa aming room. Natinag kaming pareho ni Luisa at napatingin doon.

"Nandiyan ka lang pala!" Anito at hinila si Luisa patayo. 

"Aray! Bakit ba?" 

Umirap ang babae. "Hinahanap ka ng mga kaibigan mo sa labas! Ako ang kinukulit nila!"

"Sinabi ko nang hindi ako pupunta!"

"Then that's your problem, not mine!" 

"Ugh, fine!" Padabog na umalis ng classroom si Luisa. Napakamot ng lang ako ng ulo dahil sa pagkalito.

Are they... arguing or something? Hindi ako makasingit dahil hindi ko pa naman siya ganoon kakilala. Plus, I don't know how these two are related with each other!

Napatingin ako sa babae nang malakas siyang mapasinghap. She looks so problematic. Para bang ang dami niyang iniisip.

What's the problem?

"Every single time!" She frustratedly said kaya napatayo ako.

Ang awkward naman nito! Dapat ba akong umalis or... should I approach and check her? Baka mamaya, she needs help na pala.

Bahala na nga! Mukhang okay naman siya, eh!

"Are you that stupid?"

Napahinto agad ako sa paglalakad nang magsalita siya.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now