Chapter 8

70 3 0
                                    

Chapter 8

"That's all for today, class dismissed!"

Nanatili akong nakaupo at nakatitig sa notes ko. Hindi ko alam kung bakit naguluhan ako ngayon sa aming discussion.

This is pretty simple... ano ba ang problema? Nag-try pa nga ako nito kagabi while I'm reviewing!

"Leigh!" Patakbong lumapit sa akin si Ryanah. "Tara, recess tayo?"

Sinenyas ko ang notebook ko. "Kayo na lang muna. Aaralin ko lang 'to..."

Sumimangot siya. "Lagi ka namang nag-aaral. Halika na, mamaya na iyan!"

Umiling ako. "Sorry. I have to get this lesson first..."

Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko 'to naso-solve nang maayos. Kapag tinakasan ko 'to, it will just haunt my mind!

"Eh 'di... dalhin mo na lang ang notes mo?" She suggested. "Nasa student's center si Ellaine. Doon na lang tayo tumambay at mag-review. Ano? Okay ba?"

Napabuntonghininga ako at marahang sinara ang notebook ko. "Sige na nga..."

Kinuha ko ang bag ko at sinukbit ito. Kahit kailan talaga ay hindi ako makatanggi sa mga kaibigan ko.

Nagpunta muna kami ni Ryanah sa canteen at bumili ng kaunting snacks. Hindi naman ganoon karami ang estudyante roon kaya mabilis din kaming natapos.

"Nasaan si Ellaine?" I asked her nang makarating kami sa student's center.

Ibinulsa niya ang mga hawak niyang biscuits at tumingkad nang bahagya.

"Ayun!"

Napatingin ako sa itinuro niya. Sa bandang dulo iyon ng student's center.

"Tara?"

I nodded and followed her.

Pagdating namin doon, agad akong napahinto at nailang. Hindi ko na ring maiwasang mapanganga dahil sa nakikita ko ngayon.

I can't almost recognize Ellaine. She's making out with a guy!

Nakakandong siya sa lalaki habang gulo-gulo ang kaniyang buhok. They were endlessly touching and kissing each other. Naka-expose na rin ang legs ni Ellaine kaya't ang daming pumipito sa paligid.

Umawang ang labi ko. Oh my god... what are they doing?

"Ellaine!" Pagtawag ni Ryanah sa kaniya kaya't nahinto sila sa ginagawa.

Her lipstick was smudged all over her face. She looks... terrible.

"Oh, nandiyan na pala kayo!" Umalis siya sa kandungan ng lalaki at umupo sa tabi nito. "Ang tagal niyo!"

She cut classes again. She said she's not feeling well, nakikipag-make out lang pala.

Napatingin ako sa katapat ng kanilang kinauupuan. Ngayon ko lang napansin na nandoon pala si Oliver at ang isa pang hindi ko kilalang lalaki.

Napapikit na lang ako.

This is literally the worst. Imposibleng hindi ako pestehin ni Oliver ngayong nakita na niya ako!

"Upo na kayo!"

Oliver looked at me. Sinenyas niya ang space sa kaniyang tabi.

Bahagya akong umirap.

Ha! As if gusto ko siyang tabihan!

Umikot ako sa gawing kaliwa and sat beside Ryanah. Ayokong tumabi sa lalaking iyon. Baka kung ano lang ang masabi ko sa kaniya.

Lumawak ang ngiti ni Ellaine. "I figured out that you might need your guys, kaya... I invited them over!"

I licked my lips.

It Was Never A Competition (Altarieno Series#1)Where stories live. Discover now