Howl already did his part to protect us and Anna from the endless attacks, but his huge body would give the enemies an easy access to attack him freely. Dahil sa saksak ni Rezef nang may lasong espada sa katawan ni Howl ay unti-unti na itong bumalik sa kanyang anyo.

Dahil wala na ang malaking tulong sa amin ni Howl ay higit na kaming nahirapan ni Tavion sa ere, walang tigil kami sa pagtalon at pagbaba para lang sabay na protektahan sina Caleb at Anna.

"Fucking stop them, Tavion!" nagmamakaawang sabi ni Caleb habang nakikitang nahihirapan na kami ni Tavion na pigilan ang mga Attero na lumapit kay Anna.

"Anna! Anna! Stop it!" sigaw muli ni Caleb na nagmamakaawa, gusto na niyang tumigil si Anna at umalis sa posisyong iyon.

We're all helpless. Hindi ko magawang makaalis sa posisyon ko dahil si Caleb naman ang kanilang sasaktan. Kaya ang tangi ko lang nagawa'y magdasal na sana'y makaabot si Tavion.

Mabilis nakipag-unahan si Tavion sa bawat Attero na nadadaanan niya. He's giving them the strongest attack as he tried to reach the fastest Attero, surging Anna for an attack.

Pigil ang hininga ko habang pinagmamasdan ang desperadong pagtalon at takbo ni Tavion para abutin ang Attero na patungo kay Anna. Hanggang sa kaunti na lang ang distansya ng kalaban kay Anna.

Hindi ko alam kung bakit kusa na lang gumalaw ang katawan ko at nagawa kong iwan si Caleb, higit akong kumuha nang malakas na puwersa upang tumalon nang mas mataas.

I even felt that something unusual pushed my legs to have the great impact and distance. Kasabay nang pagtalon ko nang ubod nang lakas ay ang pagliwanag ng bilog na sahig kung saan nakapako si Caleb.

Higit nagliwanag si Anna sa ibabaw ng altar na tila gumawa ng tatsulok.

Bago pa man ako higit na makalapit sa altar ay may dalawang Attero pa ang sabay na tumalon mula sa magkabilang direksyon, but this time, I didn't allow Tavion to worry about them. Agad kong ibinuka ang aking bibig at sa isang iglap ay tangay ko ang dalawang Attero kasabay nang pagbaba ko sa lupa. Marahas kong iwinagwag ang kanilang katawan habang tangay ng bibig ko dahil kung bakit nagsimulang kumalas ang kanilang mga kalansay na katawan.

Nanlalaki ang mga mata ni Caleb habang nakatitig sa akin.

"S-Scary. . ."

"S-She's connecting this place to another—" hindi natapos ni Rezef ang kanyang sasabihin nang subukan niyang hawakan ang tatsulok na siyang naging proteksyon naming lahat sa paparating pang mga Attero.

"S-Someone's body can't be a host of ancient symbols, Callista!" sigaw ni Howl.

"I could feel the familiar presence!" sigaw ni Sierra.

Tumigil na sa pag-ikot ang dalawang diwata at kapwa na sila lumuhod sa harap ng altar kung saan nagliliwanag ang gitna ng dalawang dilaw na bato.

Kinilabutan ako habang pinagmamasdan si Anna na lumulutang sa ibabaw ng altar habang may nagliliwanag na simbolong dumadaloy sa kanyang katawan.

I could see Queen Leticia on her. Isang babaeng Gazellian na handang gawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. She didn't even hesitate to put herself in that position kahit alam niyang higit niya iyong ikapapahamak.

Ibinigay ni Anna ang kanyang buong tiwala sa amin nina Tavion at Howl. Napakatapang. . .

Nag-angat ng tingin sa altar ang aking ulo bilang isang lobo kung saan nakikita ko na ang pamilyar na pigura ng isang bampira. Inaasahan ko na siyang lalabas ngunit tila may narinig kaming hindi dapat para sa amin.

"Because I might do the same thing if it is her. Magbubulag-bulagan ako. God, I might sacrifice a whole world for her—" mas mahinang sabi niya.

"Go, you will never do that. You are not like those foolish kings, Rosh."

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon