I even heard conversations around us, confusion about Tavion, but they ended up surging together to immediately finish their mission.

Ngunit kung inaakala nilang ganoon lang nila kadali mapapatay si Tavion ay doon sila nagkakamali. Wala nang pana pa ang nakalipad at wala ni anino ang nakalapit kay Haring Tiffon.

Tavion moved quickly like a flash of red thin light between the darkness of the night, and the only way that gave me the images of those poor enemies was the sounds of quenching flesh and dripping blood.

I never witnessed Tavion kill someone the moment he arrived in that world, but during that night, I never felt any hesitation.

Walang itinirang buhay si Tavion at pinatay niya ang mga iyon ng walang bahid ng kahit katiting na awa.

Nanatiling nakatayo si Tavion sa unahan ni Haring Tiffon na nakaluhod, panay ang agos ng dugo sa dalawang kamay ni Tavion habang nakapalibot sa kanya ang patay na katawan ng mga nilalang na nais pumatay sa kanyang ama.

Blangko na ang ekspresyon ni Tavion habang mabagal siyang naglalakad patungo sa kanyang ama, at bago pa man siya makaluhod at mahawakan ang kanyang ama sa nangangatal na kamay niyang punung-puno ng dugo, biglang may liwanag na tumama sa kanyang katawan.

Tumilapon si Tavion sa ilog habang may dalawang lumulutang na liwanag ang agad lumapit kay Haring Tiffon.

Agad kong narinig ang singhap ng babae, tatayo na sana ito para muling sugurin si Tavion na nasa ilog nang biglang umubo si Haring Tiffon.

"I am still alive, Cora. Don't hurt him. He is my son."

"Ano?!"

Gumalaw ang liwanag mula sa kamay ng kadarating na babae at hinayaan niya iyong lumutang na siyang nagmistulang liwanag niya upang higit na makita ang sitwasyon ng hari.

Mas lalo itong suminghap nang makita ang nakatusok kay Haring Tiffon.

"S-Silver dagger. . ."

Iyong atensyon ko ay nawala na kay Tavion kundi naroon na kay Cora. Nasisigurado kong nakita ko na siya noon pa. Pilit kong inalala kung saan ko siya nakita nang magpakita sa imahe ko si Diyosa Eda.

This Cora was with Goddess Eda! Isa siya sa kambal ni Diyosa Eda!

Mas dumalo na siya kay Haring Tiffon at inangat niya na ang dalawa niyang kamay na nagliliwanag sa dibdib ng hari. She is a goddess and a vampire, kung may kahinaan din siya katulad namin ay may kakayahan naman siyang makapanggamot katulad ni Claret.

Sinimulan na niyang tanggalin ang pana sa dibdib ni Haring Tiffon, halos hindi ko na iyon matingnan dahil ang marinig pa lang ang paggalaw ng pana sa laman niya'y halos magpapigil na sa aking paghinga.

I've seen different kinds of injuries, at hindi lang iyon basta na lamang tama o sugat, pero iba pa rin kapag gusto mong mabuhay ang nilalang na nasa harapan mo— as if the arrow was inside my body.

Lumangoy na papalapit si Tavion, hindi pa siya tuluyang umaahon at hinayaan niyang nakasampay ang kanyang mga braso sa lupa habang pinagmamasdan niya ang kanyang amang nahihirapan.

"Will he die?"

Iritadong lumingon sa kanya ang babaylan habang nagliliwanag pa rin ang mga kamay nito. "He's been pierced by different weapons before. Mabubuhay pa si Haring Tiffon sa iisang pana."

Tumango si Tavion at nanatiling nanunuod. I noticed how Tavion sighed in relief when the arrow was successfully pulled out from his father's body.

Umahon na si Tavion sa ilog.

Map of the Blazing Hearth (Gazellian Series #8)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang