CHAPTER 61

6 3 0
                                    

Kadarating ko lang sa klasrum namin at nadidinig ko ang ingay mula sa loob.

"Ano ba!? Hindi ba talaga kayo tatahimik!?" sigaw ni Zira "Hindi n'yo na ako nirespeto!" nakatayo s'ya sa unahan sa may lamesa at bakas sa mukha n'ya ang inis

"At bakit naman nila gagawin 'yon sa'yo? Ang irespeto ka?" si Brandish naman 'yon mukhang s'ya ang pasimuno sa ingay na nagaganap sa klasrum na 'to

"Itatanong mo pa sa'kin e alam mo namang tanga ka!"

"Hey Zireina na calm down" awat ni Venice

"E ayaw makinig ng lintek na 'to e"

"Hindi mo ba nadinig ang sabi ni Ma'am? Do whatever we want!"

"At talagang seseryosohin mo ang sinabi n'ya!? Tanga! Ginalit mo si Ma'am at ibabagsak n'ya tayong lahat!"

"Edi ibagsak n'ya"

"Sama sama naman tayo"

"Edi kasama din natin na babagsak si Titania?"

"Malabo ata 'yan"

"Now I wonder why kung bakit nand'yan ka. Sipsip at bida bida ka sa mga Teachers dito kaya naging Class President ka" si Brandish 'yon

"Oppss"

"Ako? Sipsip" napipikong tanong ni Zira

"Oo" mabilis namang sagot ni Brandish

"Wala ka talagang utak e!"

Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmasdan sila. Papasok na sana ulit ako

"Hindi bat si Titania dapat ang nasa posisyon mo?" sarkastikong tanong ni Brandish

Nabalot ng katahimikan ang buong klase. Siguro dahil sa pangalan ko? Hindi ko rin alam kung bakit.

"What do you mean?" naging seryoso ang mukha ni Zireina

"You know what I mean Reina"

"Kung tungkol na naman 'yan sa nakaraan natin pwede ba Brandish! Kung hindi ka makaalis sa nakaraan mo huwag mo kaming idamay ni Tania!" inis na sabi ni Zireina

"Si Tania lang naman ang nakakulong sa nakaraan n'ya"

"Kaya pala hindi ka n'ya maalala?" sarkastikong tanong ni Zireina humagalpak pa ito ng tawa

"Miss Shiraha" tinawag ako bigla ni Sir Lizardo kaya naman natuon ang atensyon ng lahat sa akin

Maging si Brandish at Zira ay nagulat no'ng lingunin ako.

"T-Tania" tawag nila sa'kin ngunit nanatili ang titig ko kay Brandish

I know there's something between them

"Pinapatawag ka ni Miss Azure sa office n'ya"

Tinanguan ko lang si Sir Lizardo. Madami akong gustong itanong ko sa kanila ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik.

Tinalikuran ko na sila at naglakad na ako palayo patungo sa Office ni Ma'am Azure.

"Tuloy ka hija" bungad nito sa'kin no'ng kumatok ako sa pinto ng opisina n'ya

Kagaya ng sinabi n'ya pumasok nga ako at naupo.

"Ilang buwan na lang gagraduate na kayo" sabi n'ya sa'kin na tinanguan ko naman

"Ano bang kurso ang kukunin mo sa kolehiyo hija?" tanong pa nito sa'kin habang ang atensyon n'ya ay nasa mga papers na nasa ibabaw ng mesa n'ya "Doctor din ba kagaya ng iyong Ina o sa eroplano din kagaya ng iyong ama"

Natigilan ako dahil sa nadinig ko. Kagaya ng aking ama? Sino ba ang ama ko? May ama pa ba ako? Hindi ko na nasagot ang tanong n'ya sa'kin dahil ang isip ko ay nasa aking ama. Wala akong maalala tungkol sa kan'ya. Hindi ko rin alam ang mukha n'ya. Hindi din s'ya binabanggit ni Mommy sa'kin. Lumaki ata akong hindi ko s'ya hinahanap. Sa anong dahilan?

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now