CHAPTER 20

18 3 3
                                    

TITANIA POV

Kalalabas ko lang ng Hospital ng bumungad sa'kin ang muka ni Riley. Hindi ko alam ang ginagawa n'ya pero parang may hinhintay s'ya.

Lalampasan ko na sana s'ya ng tawagin n'ya ako. Agad ko naman itong nilingon nagtatanong ang muka ko.

"Uuwi ka na daw?" tanong n'ya sa'kin

Itinaas ko naman ang mga bag na dala ko bilang sagot sa tanong n'ya. Aalis na sana ako ng pigilan na naman n'ya ako.

"Tumawag sa'kin si Manang ang sabi n'ya ay ihatid na daw kita"

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.

"Hindi ako pilantod kaya kong maglakad mag isa" sabi ko sa kaniya ngunit hindi talaga makaintindi ang babaeng 'to

"May sasakyan ka ba?" tanong n'ya

Hindi pa ko nakakasagot nang "Lady Titania handa na po ang sasakyang maghahatid sa inyo"

Nilingon ko si Vierquinn at mukang napahiya ito dahil sa sinabi n'ya

"Ihatid n'yo ang gamit ko sa bahay" sabi ko sa security guard ng Hospital

"E kayo po Ma'am?" tanong n'ya

"Ano bang sinabi ko?" masungit na tanong ko agad namang humingi ng pasensya ang security guard nagpaalam itong aalis na tinaguan ko lang ito

"Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ni Riley sa'kin

"Kamusta ang pag aaral mo?" tanong ko sa kaniya

"M-Maayos naman" sagot niya

"Sinabi sa'kin ng Dean na bukas na ang midterm examination kailangan mo ng mag aral"

"Eh ikaw?" tanong n'ya sakin

"Ako pa ang tinanong mo n'yan ako ang nagtuturo sa'yo" sabi ko

"Ang yabang mo"

"Anong pinagyabang ko?" tanong ko sa kanya

"Madami" sagot n'ya napailing na lang ako

"Nakalabas na ang kapatid mo ano pang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya agad namang nanlaki ang mga mata n'ya

"A-Ano"

"Tumama na ba ang tinuro ko sa'yo?" tanong ko na ikinakunot ng noo n'ya

"What do you mean?"

"Na ako 'yong subject na ayaw mo---

"SHUT UP!" sigaw n'ya

Natawa naman ako dahil sa ginawa n'ya. Napunta lahat ng atensyon ng tao sa'min. Kitang kita ko kung paano magsakulong ang kilay n'ya.

"Hindi kita gusto dahil..." napaisip s'ya sa susunod na sasabihin n'ya

"Dahil?" tanong ko

"Dahil ano"

"Ano?"

"M-May iba akong gusto" nakayukong sagot nya

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now