CHAPTER 6

13 3 0
                                    

TITANIA

"T-Tapos ka na ba?" tanong ni Venice sa'kin habang madiin kung pinupunasan ang sahig ng C.R.

Saglit akong huminto tsaka huminga ng malalim. Pinunasan ko ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko.

"Hindi pa" sagot ko sa tanong niya at muling nagpatuloy sa ginagawa ko

"This is all Riley fault" aniya

Napailing na lang ako sa sinabi nya 'Kagaya nga ng sinabi nya siya ang Presidente ng eskwelahang ito kahit depensahan ko pa ang sarili ko wala ring saysay ito. Kaya pala ganito na lang nya itrato ang estudyante dito ay dahil may mataas na posisyon sya'

"Sorry Tania wala akong magawa---

"It's ok. May klase ka pa bumalik ka na sa klasrum" ani ko habang ang atensyon ay nasa sahig

"P-Pero paano ka?" alalang tanong nya

Nilingon ko siya at agad akong ngumiti "I'm fine don't worry"

"S-Sige" aniya bago umalis ng may pag aalinlangan

"Oppss"

"Sorry sinadya"

"HAHAHAHA"

"Yan ganyan nga muka ka namang Janitress e"

Halos mapamura ako sa galit ng makita kong madumi na naman yung parte ng sahig na kalilinis ko lang kanina.

"Go back to your room" sabi ng kung sino

"Let me help you"

Nilingon ko ang nagsalitang 'yon

"Hindi na kailangan" sabi ko at ipinagpatuloy ang paglilinis ko

"Pero kakagaling mo lang sa Hospital. Hindi mo naman na kailangang gawain 'yan e"

Napailing na lang ako ng makitang pinipigilan nyang pumasok ang mga estudyante. Halos abutin ako ng uwian ng matapos ko ang paglilinis.

"Tapos ka na ba?" tanong ni Raphiel sa'kin na tinanguan ko na lang

"Salamat makakaalis ka na" huling sinabi ko habang hawak ang mop at timba

Walang ganang lumabas ako ng Comfort Room.

'Nakakapagod. Dadalhin ko pa ang mga ginamit ko sa stock room'

"Yaahhh! Tania babalikan kita mamaya dadalhin ko lang to sa Office ni Ma'am Azure" sabi ni Zira

"Bye Titania una na ako sa inyo" ani Venice na kinawayan ko na lang

Tahimik na nagtungo ako ng stock room bitbit ang mga gamit na ginamit ko pang linis ng C.R kanina. Hinanap ng mata ko ang isang malaking Cabinet. Agad na nagtungo ako doon at binuksan ito. Maingat na inilagay ko ang mga gamit sa loob nito.

'Sa wakas ay natapos din'

Aalis na sana ako ng makarinig ako ng ilang lagabag di kalayuan sa posisyon ko. Hindi ko na sana papansinin ito ng may marinig akong malakas na ingay tila ba ay isang bagay ang bumagsak at nabasag ito.

Unti unti akong binalot ng takot. Aalis na sana ako ng makarinig ako ng malakas na sigaw

"Ang kapal ng muka mong magpakita pa sa'kin Aelia!"

'T-Teka pamilyar ang tinig na 'yon'

Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko at halos maestatwa ako sa nakikita ko.

'A-Anong'

Dahan dahan akong napa atras hindi makapaniwala. Napakurap kurap pa ang mga mata ko nagbabaka sakaling namamalik mata lang ako ngunit hindi

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now