CHAPTER 21

13 3 0
                                    

"Hintayin n'yo ako d'yan papasok na ko" bumaba ako ng motor ko, inalis ang helmet ko tsaka pumasok sa loob ng goldenbucks pinatay ko ang tawag.

Halos mapamura naman ako ng makita na madaming tao 'Saan ko sila hahanapin?'

"Good evening Madame"

Hindi ko sila pinansin hinanap ng mga mata ko sina Achlys at Daughtler. Ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay nakarinig ako ng sigawan

"BITIWAN MO AKO!"

Hinanap ng mata ko ang pamilyar na boses na 'yon. Agad ko naman itong nahanap.

"Sinabi ko bang sumigaw ka ha!?"

'Anong nangyayari dito?'

Nakitang kong nakasalampak si Vierquinn sa sahig. Masama ang tingin nito sa isang lalakeng pandak na mataba kamuka n'ya si Akai ng mobile legends hindi s'ya cute tingnan kung si Akai ay panda sa mobile legends ito namang lalakeng ito ay mukang baboy.

"KAILAN MO BA AKO TITIGILAN HA!?" sigaw ni Vierquinn tatayo na sana ito ngunit nabasa ko agad ang ikikilos ni Akai the pig kumuha ito ng isang silya at walang alam si Vierquinn sa mangyayari dahil nakatingin ito sa sahig

"MISS!"

Bago pa man tumama kay Vierquinn ang silyang hawak ni Akai the pig ay malakas kong sinipa si Vierquinn palayo

'Mamaya mo na ko isumpa. Punyeta'

Tinuhod ko agad ang tyan ni Akai the pig at agad itong napasalampak sa sahig.

"SINO KA!?" galit na galit na sigaw n'ya sa'kin

Humablot ako ng isang silya at nilingon s'ya halos mapaatras ito sa gulat ng makita ako.

'Bakit away lagi ang bumubungad sa akin?'

"I-Ikaw---

"Ako nga" dahan dahan akong humakbang papalapit sa kaniya ngunit hindi ko pa man nahahawakan si Akai ay may tumamang upuan sa muka n'ya

Natigilan ako at nagulat sa nangyari. Napakurap kurap pa ako sa nangyari hindi makapaniwala

"Tarantado ka" si Vierquinn

S'ya ang bumato ng upuan na tumama sa muka ni Akai

"POTANGINA! TARANTADO KA TALAGA---

Nakita kong sinipa ni Achlys ang muka ni Akai. Sa tindig pa lang n'ya ay alam kong s'ya na 'yon. At ang kasuotan n'ya 'S'ya na nga ito'

"What the hell are you doing here?" tanong ni Achlys kay Akai "Gusto mo bang mabura sa mapa" aniya na ikinakunot ng noo ko

"S-Sino ka naman?---

Isang malakas na sampal ang binigay ni Achlys kay Akai.

Napaupo na lang ako sa upuan na hawak ko at pinanood ang ginagawa nila.

"Satania! Ow my ghad ikaw na ba 'yan bossing" tumutili tiling si Daughtler

Naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa inis. Hindi ko gusto ang tawag n'ya sa'kin

"Akai owemji nagtransform ka na bilang tao" ani ni Daughtler at nakitsismis sa ginagawa ni Achlys

Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko.

"Kailangan mong umalis dito" aniya na ikinakunot ng noo ko

"At bakit ako aalis dito kadarating ko lang dito" sabi ko kay Vierquinn

"Sasaktan ka ni Akai---

"Wait" pigil ko sa kaniya na ikinakunot ng noo n'ya "What did you just say?" tanong ko

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now