CHAPTER 30

9 2 0
                                    

TANIA POV

"What did you say?" tanong ko kay Achlys umaasang mali lang ang nadinig ko

"We're planning na pumasok sa VIS next school year" sagot n'ya

Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ko s'ya

"You've got to be kidding me" seryosong sabi ko

"Next school year pa naman Satania---

"Wala akong pakialam kahit anong year 'yan Achlys. Binabalaan na kita wag mo ng subukan pang pumasok sa impyernong eskwelahan na 'yon" sabi ko aalis na sana ako ng marinig ko ang sinabi n'ya

"Naaalala mo na ba?"

Muli akong natigilan at nilingon s'ya seryosong nakatingin sa'kin si Achlys

"Alaala?" tanong ko sa kaniya natahimik naman agad ito hinhintay ko ang sasabihin n'ya ngunit napansin ko ang pasimpleng paglunok n'ya na ikinakunot ng noo ko

"May nakalimutan ba ako? Para itanong mo sa'kin 'yan" seryosong sabi ko dahan dahan akong humakbang papalapit sa kaniya

Hindi na n'yang magawang lingunin pa ako nasa baba lang ang tingin nito habang nakakuyom ang mga kamao. Habang papalapit ako sa kaniya ay umaatras naman ito.

"Tinatanong kita Achlys" kalmadong sabi ko

"Anong nangyayari dito?" kakagising lang na si Daughtler "Ang aga n'yo naman atang magpapatayan Satania"

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na pinag tuunan ng pansin si Achlys. Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil lumabas na ako ng bahay ngunit hindi ko inaasahang makikita ko si Vierquinn sa tapat na bahay namin.

'Ano na naman kayang trip ng babaeng 'to?'

Hindi n'ya napansin ang presensya ko kaya naman pinagmasdan ko ang bawat kilos n'ya. Mukang ako ang hinahanap ng mga mata n'ya habang nakatingin sa labas ng bahay namin.

"Nakita mo na ba?" tanong ko sa kaniya

"Hindi pa nga e" sagot n'ya kaya naman natawa ako maya maya pa ay natigilan ito narealize n'ya sigurong may kumausap sa kaniya at ako 'yon.

Dahan dahan itong lumingon sa'kin halos mapaatras pa ito sa gulat kaya naman napailing na lang ako. Nilingon ko ang bahay namin at nilingon ko rin s'ya nagpabalik balik ang tingin ko dun.

"A-Ano" aniya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya habang pinagkrus ko ang braso ko

Nilingon ko ang nasa likuran at paligid namin pagkatapos ay napako ang tingin ko sa kaniya. Naghihintay ako ng sagot.

"Si Zireina kasi---

"Nakaalis na s'ya" sabi ko "Isang linggo mo ng ginagawa 'yan sa labas ng bahay namin" dagdag ko at agad na nanlaki ang mga mata

"H-Hindi no" mabilis ba depensa n'ya

Tinanguan ko na lang ito wala akong panahon makipag bardagulan sa kaniya. Aalis na sana ako ng bigla s'yang magsalita

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now