CHAPTER 37

14 2 4
                                    

TITANIA POV

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng babaeng ito dito sa harapan ko. Walang emosyon kong pinagmasdan ang mukha n'ya. Naghihintay ng sasabihin n'ya. Nang mapagtanto kung wala naman ay naglakad na lang ako at nilampasan s'ya ngunit hindi ko inaasahan ang paghawak n'ya sa braso ko dahilan para matigilan ako.

Hindi ko alam kung normal lang bang makaramdam ako ng kaba dahil sa ginawa n'ya.

"T-Tania" tawag nito sa'kin dahilan para mapalingon ako sa kan'ya ba agad naman n'yang ikinagulat

Tinapunan ko ng tingin ang braso ko kung saan nakahawak ang kamay n'ya agad naman n'yang inalis yun

"Anong kailangan mo sa'kin?"napabuntong hininga na lang akong nilingon ang gym kung saan naglalaro si Vierquinn

'Siguro ay hinhintay na n'ya ako. Ang inaasahan n'ya ay manonood ako'

"I miss you"

Natigilan ako kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit n'ya sinasabi ito.

"Wala ka na bang sasabihin pa?" tanong ko sa kan'ya na ikinagulat n'ya "Bakit ka ba lapit ng lapit sa'kin?"

Napaatras s'ya dahil sa sinabi ko. Nangingilid ang luha n'ya na ipinagtataka ko naman.

"H-Hindi mo ba talaga ako kilala?"

Nakaramdam ako ng inis dahil sa tanong n'ya. 'Ano bang problema ng babaeng ito?'

"Hindi ikaw yung tipo ng taong dapat ay kikilalanin ko" sarkastikong sabi ko sa kan'ya "Tigil tigilan mo na ang pagdikit dikit sa'kin hindi na ko natutuwa lahat ng kilos ko ay inaalam mo" nanlaki ang mga mata n'ya at halos mapaawang ang bibig n'ya

Muli ay tinalikuran ko s'ya ngunit pinigilan na naman n'ya ako.

"Bumalik ka nga hindi n-naman na sa'kin---

Hinablot ko ang damit n'ya ngayo'y naiintindihan ko na nararamdaman ko na ang galit na nararamdaman ko ay mula sa kaniya

"Lumayas ka at huwag ng magpakita sa'kin" napipikong sabi ko tsaka ko s'ya itinulak palayo

"Ano bang nangyayari dito?" si Zira nagpabalik balik ang tingin n'ya sa'min ni Leatherette

Hindi ko na s'ya kinausap pa dahil baka makapanakit lang ako

"Anong ginawa mo sa kan'ya?" huling narinig ko bago ako tuluyang umalis sa harapan nila

Pumasok ako ng gymnasium at sigawan agad ng mga tao ang naririnig ko. Hinanap ng mga mata ko si Vierquinn. Napabuntong hininga na lang ako ng makita kung mukhang badtrip na naman s'ya. Salubong na salubong ang kilay n'ya masama ang tingin sa bola.

'Ano na naman bang ginawa n'yan galit na galit na naman e' napailing na lang ako

Nasa kan'ya na ang bola. Drinibble dribble n'ya ito at nang makuntento na s'ya ay inihagis n'ya ang bola pataas sunod na ginawa n'ya ay tumalon at malakas na pinalo ang bola. Tinapunan ko ng tingin ang bola sumabit lang iyon sa net.

'Tsk tsk tsk' napailing na lang ako pinagkrus ko ang braso ko habang pinapanood ang lari n'ya. Sunod sunod na nangyari yun sa kaniya

Nakipag sisikan ako sa mga estudyante nang makarating ako sa pinaka unahan ay agad namang nagtama ang paningin namin ni Vierquinn bakas na agad ang tuwa sa mukha n'ya ng ngitian ko s'ya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kan'ya dahil magsimula nung dumating ako ay makita n'ya ako ay naging maayos ang laban n'ya. Halos s'ya ng s'ya ang pumapalo sa bola.

Tahimik kong pinapanood ang galaw n'ya. 'Hindi nga nagkamali ang Guro sa kan'ya. Hindi na ko magtataka kung bakit nagmakaawa pa sila sa'kin na turuan ang babaeng ito huwag lang s'yang maalis sa volleyball team. Napakagaling n'ya'

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now