CHAPTER 35

11 3 2
                                    

TITANIA POV

Maaga akong nagising ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos kagabi simula no'ng umuwi ako galing sa bahay nina Vierquinn.

'Ang aga mo naman atang nasa utak ko! Tssss'

Naligo na ako at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Bumungad naman sa'kin ang mukha ni Mommy

"Ohayo" bati n'ya sa'kin tsaka ako nginitian at tinalikuran na ikinakunot naman ng noo ko

"Yah! nani yatten no you?" tanong ko dito na ang ibig sabihin ay anong ginagawa n'ya

"Nandemonai" aniya at nagdire diretso ito sa paglalakad napailing na lang ako

Kasabay kong bumaba ng hagdan si Zira na kagigising lang

"Ang aga mo ata napakalaking himala Tania. Anong nakain mo?" kunot noong tanong n'ya

"Kutsilyo gusto mong subukan?" sarkastikong sabi ko sa kan'ya

"Edi namatay ako tsss! Baka naman may iba ka ng dahilan kung bakit gan'yan ka kaaga gumising"

"Ano na namang dahilan 'yan?" kunot noong tanong ko sa kan'ya

"Edi sino pa baka yung manliligaw mo"

'Tsss!'

Hindi ko na lang s'ya pinansin bagkus ay pumunta na lang ako sa kusina para kumain. Nang matapos ay agad akong nagtungo sa eskwelahan namin.

Kabababa ko pa lang sa kotse ko ng mapansin ko sa main gate si Vierquinn nakatayo ito na parang tangang nakatingin sa taas ng gate.

Nilingon ko ang tinititigan n'ya ngunit kumunot ang noo ko ng wala naman akong makitang kakaiba do'n. Napailing na lang ako at naglakad hindi ko na sana papansinin pero mukhang problemado ang mukha n'ya

'May nangyari na naman ba sa kan'ya'

"Nani yatten no you?" kunot tanong ko sa kaniya at kagaya ng kasanayan ko ay halos mapatalon na naman ito sa gulat. Hinawakan n'ya ang dibdib n'ya dahil sa gulat.

"A-Ano ba!?"

'Inis na naman s'ya! Tss!'

"I'm asking you what the hell are you doing?" tanong ko ulit sa kan'ya

"N-Nakatayo kita mo naman di'ba nagtatanong ka pa! Pumasok ka na lang at huwag mo na kung pansinin pa"

Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya agad naman s'yang nabahala kaya natawa ako. Natigilan lang ako ng mapansing titig na titig na naman ito sa'kin manghang mangha na animo'y nakakita ng isang anghel mula sa langit 'Hindi ako anghel Vierquinn wag mo kong matingnan tingnan ng gan'yan'

Naka uniform na ito na suguro'y susuotin n'ya mamaya. Naka jacket ito at pajama kunsabagay may mga ilang ano pa bago mag start ang game.

Hinawakan ko ang braso nito.

'Siguro ay kinakabahan s'ya para sa laro n'ya mamaya'

Nginitian ko s'ya tsaka ko tinapik ang braso n'ya "Makakaya mo ang laro mamaya sa yabang mong yan" sabi ko dito

Natigilan na naman s'ya at maya maya ay nag salubong na naman ang kilay n'ya. Inalis n'ya ang kamay kong nasa braso n'ya

"Ano ba hindi ka nakakatulong e" aniya

'Tss! Sabi ko nga'

"Okay" sabi ko at tinalikuran na lang s'ya

'Ang lakas talaga ng topak ng babaeng 'yun

"Wait!" aniya ngunit hindi ko s'ya pinansin hanggang sa maramdaman ko na lang ang kamay n'yang nasa braso ko dahilan para mapahinto ako

"Ano?"

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now