CHAPTER 56

10 2 11
                                    

ZIREINA

Kakapasok ko lang sa Restaurant na sinabi ni Syd he's my childhood friend. Kadarating n'ya lang from States. Umalis kasi s'ya ng Pilipinas no'ng matapos kami sa first year high school kaya at simula no'n ay wala na 'kong nabalitaan tungkol sa kan'ya. Hindi ko nga alam kung nandito na s'ya sa Restaurant e dahil may biglaang meeting daw s'ya pero dadating s'ya and I know Syd dadating talaga s'ya.

"Miss Lisana?" tanong ng isang service crew sa'kin

"Yes"

"This way po Ma'am"

Sinundan ko ang service crew may reservation na kasi malamang si Syd ang may pakana n'yan. Naupo ako at wala pa s'ya pero hindi naman ako nababahala kasi alam ko namang dadating s'ya.

Habang nasa menu ang tingin ko ay naagaw ng atensyon ko si Achyls na mukhang kadarating lang. Bihis na bihis s'ya like something nicely naughty outfit. You know her magaling s'yang magdala ng mga suot n'ya. She look sexy and yet classy. Kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa n'ya dito? Sinusundan n'ya ba ako?

Mukhang may hinahanap ito. Inalis n'ya ang shades at mukha namang hindi ako ang hinahanap n'ya dahil hindi naman n'ya ako napansin. Lahat ng atensyon ng mga tao dito for sure ay nasa kan'ya. Na sa'kin lang kanina e tapos inagawa n'ya.

Naupo s'ya sa table na malapit sa'kin.

"What are you doing here?" I asked her

"Holy shit!" she was shocked "W-What the hell are you doing here?"

"Hindi bat ako ang unang nagtanong sa'yo!? Sinusundan mo ba ako!?"

"The guts bitch! Why would I do that?" wala ang atensyon n'ya sa'kin

"Inutusan ka ba ni Tania na sundan ako---"

"It's none of your business Reina" masungit na sabu n'ya sa'kin

Magsasalita pa sana ako no'ng makita ko ang gulat sa mukha n'ya. Bigla n'yang siniksik ang sarili n'ya sa ilalim ng mesa.

"Anong ginagawa mo d'yan tanga?" tanong ko sa kan'ya habang hinahanap kung sinong nakita n'ya kanina

"Anong ginagawa n'ya dito!?" sabi n'ya

"Ano!?"

"That guy wearing a black V neck sweatshirt!" bakas ang inis sa boses n'ya

Nahanap ko agad ang taong tinutukoy n'ya. Hindi maganda ang hitsura no'ng taong 'yon. Mukhang s'yang matanda, may balbas at malaki rin ang t'yan n'ya tapos kalbo pa.

"Kaano ano mo 'yon?"

"Huwag mo kong kausapin"

"Kaano ano mo nga kasi 'yon? Boyfriend mo ba---"

"Sinabi ng wag mo kong kausapin!" mahina ang boses n'ya at bakas sa mukha n'ya ang frustration kaya naman nakaisip ako ng kalokohan

"Miss Mellogroix" isinigaw ko ang apelyido ni Achyls at agad s'yang nataranta "Achyls Mellogroix" gusto kong matawa dahil sa kilos n'ya halos maumpog pa s'ya sa mesa no'ng sumuot s'ya sa ilalim

"Are you Mellogroix?" lumapit na sa'kin 'yong matanda mukha s'yang manyakis ang magnanakaw mula sa kaban ng bayan

"Ow you know my boss" sarkastikong sabi ko

For sure pinapatay na ki ni Achy sa utak n'ya ngayon. Tumayo ako at nakipagkamay sa lalaking 'to

"I'm her Secretary Sir" nakagat ko ang dila ko pinipigilan kong matawa

"Nice to meet you beautiful lady." pambobola nito sa'kin na totoo namang maganda ako "Is she here?"

"Yes Sir she's here" lumapit ako kung nasaan si Achy sinilip ko s'ya mula sa ilalim ng mesa

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now