CHAPTER 17

20 3 0
                                    


RILEY POV

"Wala ka ng ginawang mabuti sa pamilyang ito!" galit na galit na sabi ni Daddy sa'n

Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyana

"ILANG ESTUDYANTE KO PA ANG TATARATADUHIN MO HA!?" malakas na sigaw n'ya

"Dad calm down ano ba pinapahiya mo naman ang bata" awat ni Mommy

"Dapat lang na ikahiya 'yang batang 'yan Suzette. May bago ka na namang biktima at talagang kapatid mo pa!"

"She's not my fucking sister---

Hindi pa ko tapos magsalita ng masampal ako ni Daddy.

"Hindi mo na nirespeto ang pamilyang to Riley!" nanggagalaiti sa galit na sabi ni Daddy

"Hindi naman ako miyembro ng pamilyang iniingatan mo di'ba!? Ang sabi mo nga wala kang anak na isang kagaya ko!" naiinis na sabi ko

Naikiyom ko ang mga kamao ko sa galit "Mas itinuring n'yong anak ang babaeng 'yan kahit hindi naman ikaw ang ama!"

"Anak" awat ni Mommy sa'kin

"Totoo naman di'ba Ma!? Anak mo ang babaeng 'yan sa labas!"

"Umalis ka na!" sigaw ni Daddy sa'kin

Halos magsisi naman ako ng makita ko kung paano lumandas ang luha sa pisngi ni Mommy

"M-Mom---

"I SAID GET LOST!" sigaw ni Daddy

"Mom h-hindi ko sinasadya" mangiyak ngiyak na sabi ko ngunit sa halip na magalit ito ay isang matamis na ngiti lang ang binigay nito sa akin.

'Mommy I'm sorry'

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Daddy sa braso ko. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kayang sabayan ang lakas n'ya. Kinalakad ako nito palabas ng Hospital.

"Wag na wag ka munang magpapakita sa amin!" galit na sabi ni Daddy at dinuro duro pa ako

'Anak mo din ako Pa'

Napangiti na lang ako ng mapait. Araw araw n'yang ipinaparamdam, ipinapamuka sa akin na hindi ako miyembro ng pamilya namin. Na puro kahihiyan at kamalasan lang dala ko sa pamilya namin.

Napaiyak na lang ako dahil sa sitwasyon ko sa pamilyang meron ako 'May pamilya pa ba ako? Kahit anong tigas ko mahina pa rin ako'

Naalala ko ang nangyari kay Sin kanina. Sinadya kong sirain ang imahe n'ya sa school namin kasi gusto ko s'yang mawala sa School na pagmamay ari namin.

'Isa lang naman s'yang anak sa labas. Totoo ang sinabi ko kanina'

Nang makita ko ang paghihirap ni Sin sa School ay hindi ko man lang narinig itong magreklamo o kaya magalit sa'kin. Palaging ngiti ang pinapakita n'ya sa'kin na ikinakainis ko naman pero no'ng makita ko ang luha n'ya kanina punong puno iyon ng sakit wala akong makitang galit.

'Nakakaguilty. Hindi ko na alam kung kaya ko pa ba s'yang harapin pagkatapos ng mga nagawa ko sa kaniya. Hindi ko rin s'yang narinig na nagsumbong sa mga magulang namin'

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now