𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 40

10 2 0
                                    

𝗧𝗔𝗡𝗜𝗔

Kadarating ko lang sa School namin at kagaya ng nakasanayan ko lahat ng mata ay nasa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan habang tinatahak ang hallway patungo sa klasrum ko ngunit hindi ko inaasahang may masasalubong ako.

Hindi ko na sana s'ya papansinin ngunit seryosong binigkas n'ya ang pangalan ko dahilan para matigilan ako

"Miss Leal Titania Shiraha" tawag sa'kin ni Vierquinn

'Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng ito sa'kin? Nang ganito kaaga?'

"Alam mo naman siguro kung anong araw ngayon?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinasabi n'ya. Oh e anong meron ngayon?

"I'm asking you Miss Titania Shiraha" may diing sabi n'ya

"Ano bang pakialam ko?" tanong ko din sa kan'ya

Napailing na lang ako tsaka ako muling naglakad, ngunit talaga pinaglihi si Vierquinn sa katigasan at kakapalan ng mukha.

"Hindi mo ba nakikita kung ano ito?" nada harapan ko na ulit s'ya tiningnan ko ang itinuturo ng daliri n'ya

Isa iyong telang pula na nakabit sa kaliwang braso n'ya. Nasa uniform n'ya iyon. Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang salitang 'Senior-class President'

"Ano naman kung makita ko ang bagay na 'yan?" sarkastikong tanong ko sa kan'ya

"You should be scared at me---

"Ang lakas din naman pala ng tama mo sa bungo e no!?" napipikon ngunit kalmadong tanong ko "Wala akong oras sa katangahang pinapakita mo sa'kin ngayon Vierquinn umalis ka sa harapan ko"

"W-Wait! What!?" gulat na sabi n'ya na akala mo ay hindi narinig ang sinabi ko

Hinablot ko ang collar ng uniform na suot n'ya tsaka ko s'ya itinulak sa pader na ikinagulat n'ya

"Ang araw ngayon ay Lunes, final examination hindi masasagot ng pagiging presidente mo ang test na hinahabol ko. Lintek" huling sinabi ko bago ko s'ya tuluyang iniwan

Congrats Vierquinn napakagaling mo! Napakagaling mo lalo na sa umaga. Ang sirain ang umaga ko sa eskwelahang ito ay bet na bet mo Vierquinn. Isa kang ulowl. Isa kang malaking ULOWL.

Pagkadating ko sa klasrum ay mukha agad ni Zira ang sumalubong sa'kin. Nakakunot ang noo nito nagtatanong kung anong nangyari sa'kin.

"Badtrip ka na naman" hindi makapaniwalang sabi n'ya "Huhulaan ko kung sino ang dahilan"

Naupo ako sa upuan ko "Ano?" tanong ko sa kan'ya

"Sino pa bang pinaglihi kay Satanas edi si Riley. Nasalubong ko din s'ya kanina pinagmamalaki n'yang s'ya ang Senior-class President. Anak ng tupang puti! Ngayon pa n'ya pinanindigan kung kailan patapos na ang school year. Unbelievable" aniya na umiiling pa

Napaka engot mo Vierquinn.

"Hi"

Natigilan naman ako ng marinig ko ang boses ni Raphiel nasa tabi ko ito.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now