CHAPTER 49

10 3 0
                                    

December 16 noong ipakilala ko si Vierquinn sa pamilya ko na girlfriend ko s'ya. Hindi ko nga alam kung bakit sinabi ko 'yon noong gabing 'yon. Nagalit ako at natakot rin para sa sarili ko at sa kinabukasan ko dahil sa engagement party na 'yon.

Nakabalik na din kami ng Pilipinas kahapon lang kami umuwi December 17. Ngayon naman ay December 18.

Nagising ako dahil sa cellphone kong nagba-vibrate. Antok na antok pa ako, nakapikit ang mga mata ko na kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Hindi ko na rin nakita kung sino ang tumatawag dahil sa antok.

"[Fuck baby! Bakit ngayon mo lang sinagot!?" inis ang boses n'ya

Natigilan ako dahil boses iyon ni Vierquinn. Awtomatikong naimulat ko ang mga mata ko at tiningnan kung s'ya nga ba talaga ang tumatawag. Napaupo ako sa kama at tiningnan kung ilang beses s'ya tumawag sa'kin mula kanina. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong namissed na tawag mula sa kan'ya kanina. Infact ngayon lang talaga s'ya tumawag.

"Vierquinn" napipikong tawag ko sa kan'ya

"[Who are you?]" tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko

Ginagago ba ako ng babaeng 'to? Tumawag s'ya para itanong sa'kin kung sino ako? Mali ba ang dinig ko?

"[Answer me! Who the hell are you!?" ulit pa talaga n'ya hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat

Naguguluhan ako.

"[Bitch! I'm asking you who the hell are you---"

"Tania" napipikon na ko ngunit nanatili akong kalmado

"[What!? Tania what!? Fuck you Tania! Leave me alone! Bitch!]"

Hindi ko alam kung anong trip ng babaeng 'to sa ganitong kaaga. Tumawag s'ya sa'kin tapos itatanong kung sino ako? Ako ba ang kausap n'ya o may kausap s'yang iba?

Hindi ko na nagawang magsalita pa.

"[Stop calling me!]" inis at may galit na sabi n'ya bago tuluyang pinatay ang tawag

Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan. Hindi ako makapaniwala sa nga salitang binitawan n'ya sa akin. Natanggal tuloy ang antok ko at hindi na ko makatulog pa.

Normal bang gawin at sabihin n'ya sa'kin 'yon?

Napailing na lang ako

Maya maya pa ay muling nag vibrate ang cellphone ko at s'ya ulit ang tumatawag. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko at wala man lang planong sagutin ang tawag n'ya. Nakailang tawag na s'ya sa halip na sagutin ay pinatay ko na lang ang cellphone ko.

Naglakad ako patungo sa pinto ng kwarto ko sa may balcony. Binuksan ko iyon 'tsaka ako tuluyang lumabas. Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin agad ko namang nayakap ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang kalangitan pasikat na ang araw mukhang magsi-six na ng umaga. Mamaya pa dapat ang gising ko kung hindi ko lang sinagot ang tawag n'ya.

Nakatayo lang ako dito tahimik ang kapailigiran ko, pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Ngunit bumama ang tingin ko dahil may napansin akong tao mula sa labas ng bahay namin.

Sa tindig pa lang nito ay alam ko na agad kung sino ang taong 'yon. Nakapang tulog pa nga ito na para bang dali dali s'yang magtungo dito at hindi na nagawang mag ayos pa ng sarili n'ya. Napailing na lang ako dahil si Vierquinn ang taong 'yon. Nakita ko s'yang natigilan, nakatingin sa kung saan agad ko namang hinanap kung sino ang tinitingnan n'ya.

Nagulat ako nang makita ko si Vierquinn ngayon ngunit mas nagulat ako nang makita ko din si Raphiel bihis na bihis ito. May dalang bulaklak ang paper bag na hindi ko naman alam kung anong laman no'n.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now