CHAPTER 9

13 3 0
                                    


TITANIA POV

Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan ng magising ako sa kung saang lupalop man ng impyerno 'to. Kanina pa akong gising.

Nakatali ang mga paa at kamay ko habang nakaupo ako sa upuan. Wala akong makitang tao napakadilim ng paligid ko pero itong kinauupuan ki ay maliwanag dahil may ilaw.

Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko. Medyo nahihilo pa ako dahil mukhang nabagok na naman ang ulo ko dahil dumudugo na naman iyong sugat na nasa ulo ko

'Anong kademonyohan na naman ito? Hindi pa nga iyon magaling e mukang madadagdagan naman. Sa palagay ko ay bumuka ang tahi ng parteng 'yon'

Ang mukha ko ay naliligo na sa sariling pawis at dugo naman mula sa sugat ko. Hindi rin naman ako makapagsalita dahil may taling panyo ang bibig ko. Wala na rin akong lakas para pumalag pa parang hinhintay ko na lang na malagutan na ko ng hininga.

Nakarinig ako ng ilang yabag ng mga paa nagsimula na akong kabahan ngunit mas pinili kong maging kalmado.

"Gising ka na pala" ani ng isang lalake mukang ito yung leader nila

Napatango na lang ako na ikinatawa nya na sinundan naman ng mga tauhan nya.

"Hindi ka ka man lang ba magsasalita?" tanong nya na ikinakunot ng noo ko

'How can I? Kung pati bibig ko tinalian n'yo mga bobo'

"Boss may tali bibig n'ya!" ani ng isang tauhan tumawa naman ang ilan dahil sa salitang iyon

Agad na nagsalubong ang kilay ng boss nila malakas nyang sinampal ang tauhan n'ya na nagsalitang 'yon.

"BOBO KA BA! EDI ALISIN MO! MGA INUTIL" galit na galit na sigaw nya na halos ikarindi ng tenga ko

Dali dali namang inalis ng isang tauhan iyong tali sa bibig ko.

"AYAN! MAG INGAY KA! SUMIGAW KA! HAHAHAHAHAHA" ani nung boss na ikinakunot na naman ng noo ko

Ang kaninang malakas na tawanan ay napalitan ng katahimikan.

"HINDI KA BA SISIGAW!?" sigaw n'ya

"Paos ako" maikling sagot na talaga namang ikinagalit nya

Ikinasa nya ang baril nya at agad itong itinutok sa akin

"HINDI KA SISIGAW!?"

"Anong kailangan n'yo sa akin?" natatakot ngunit kalmadong tanong ko

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot nanlalamig din ito.

"Ikaw at ang shota mo" nakangising saad n'ya

'Shota? Muka ba kong may shota'

"S-Sino ka?" tanong ko at halos magpumiglas ako ng itutok nya ang baril nya sa noo ko

"Ako si Lover Boy ang malakas at makapangyarihan---

"Tama na! Pangalan ko lang ang hinihingi mo---" natigilan ako ng isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya

'Fuck! Namamanhid ang parteng 'yon'

"Matapang ka! Pumapalag ka" aniya

"PALABAN BOSSING!" sigaw ng isa

Hinablot n'ya ang muka ko at halos mapapikit ako sa sakit. Isang malakas na sapak ang natanggap ko mula sa kanya. Halos mabingi naman ang tenga ko at umikot ang paningin ko dahil sa ginawa n'ya. Malakas n'yang sinipa ang kinauupuan ko kaya naman bumagsak ako sa sahig at halos mapasigaw ako sa sakit. Muking tumama na naman ang ulo ko sa sahig. Napasigaw ako dahil napuruhan na naman ang sugat na nasa ulo ko.

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now